O mga tao, tunay na ang pangako ni Allāh ay katotohanan kaya huwag ngang luminlang sa inyo ang buhay na pangmundo at huwag ngang luminlang sa inyo [si Satanas] hinggil kay Allāh ang mapanlinlang.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga tao, tunay na ang ipinangako ni Allāh - na pagkabuhay na muli at pagganti sa Araw ng Pagbangon - ay katotohanang walang duda hinggil dito kaya huwag ngang dumaya sa inyo ang mga sarap ng buhay na pangmundo at mga ninanasa rito palayo sa paghahanda para sa Araw na ito sa pamamagitan ng gawang maayos, at huwag ngang dumaya sa inyo ang demonyo sa pamamagitan ng pang-aakit niya sa kabulaanan at pagsandal sa buhay na pangmundo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم