Alif. Lam. Mīm. Rā'. Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat. Ang ibinaba sa iyo mula sa Panginoon mo ay ang totoo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Alif. Lām. Rā'. Nauna ang pagtalakay sa mga katapat ng mga ito sa simula ng Kabanatang Baqarah. Ang mga talatang mataas na ito sa kabanatang ito at ang Qur'ān na ibinaba ni Allāh sa iyo, O Sugo, ay ang totoo na walang mapag-aatubilian hinggil dito at walang duda na ito ay mula sa ganang kay Allāh, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya rito dala ng pagmamatigas at pagmamalaki.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم