noong tumatanggap kayo niyon sa pamamagitan ng dila ninyo, nagsasabi kayo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo ng wala kayong kaalaman hinggil doon, at nag-aakala kayong iyon ay magaan samantalang iyon sa ganang kay Allāh ay mabigat.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Noong nagsasalaysay niyon ang ilan sa inyo buhat sa iba pa at nagpapalipat-lipat kayo niyon sa pamamagitan ng dila ninyo kalakip ng kabulaanan niyon sapagkat wala naman kayong kaalaman hinggil doon, at nagpapalagay kayong iyon ay madali at magaan samantalang iyon sa ganang kay Allāh ay mabigat dahil sa taglay niyong kasinungalingan at paninirang-puri sa isang inosente.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم