Kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa, at tungo kay Allāh ang kahahantungan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kay Allāh - tanging sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa, at tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - ang pagbabalik sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم