Nangako si Allāh sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at gumawa ng mga matuwid na talagang magtatalaga nga Siya sa kanila bilang kahalili sa lupain gaya ng pagtalaga Niya sa mga nauna sa kanila bilang kahalili, talagang magpapatatag nga Siya para sa kanila ng Relihiyon nila na kinalugdan Niya para sa kanila, at talagang magpapalit nga Siya sa kanila, matapos ng pangamba nila, ng katiwasayan. Sasamba sila sa akin; hindi sila magtatambal sa Akin ng anuman. Ang sinumang tumangging sumampalataya matapos niyon, ang mga iyon ay ang mga suwail.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nangako si Allāh sa mga sumampalataya sa Kanya kabilang sa inyo at gumawa ng mga matuwid na mag-aadya Siya sa kanila laban sa mga kaaway nila, gagawa Siya sa kanila bilang mga kahalili sa lupain tulad ng ginawa Niya sa nauna sa kanila na mga mananampalataya bilang mga kahalili rito. Nangako Siya sa kanila na gagawa Siya sa Relihiyon nila na kinalugdan Niya para sa kanila - ang Relihiyong Islām - na maging matatag at makapangyarihan. Nangako Siya sa kanila na magpapalit Siya sa kanila, matapos ng pangamba nila, ng katiwasayan. Sasamba sila sa Kanya - tanging sa Kanya; hindi sila magtatambal sa Kanya ng anuman. Ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng mga pagpapalang iyon, ang mga iyon ay ang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم