O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo at matakot kayo sa isang Araw na hindi makapagdudulot ang isang magulang para sa anak niya ni ang isang inanak ay makapagdudulot para sa magulang niya ng anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo kaya huwag ngang mandaya sa inyo ang buhay pangmundo at huwag ngang mandaya sa inyo hinggil kay Allāh ang mandaraya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at mangamba kayo sa pagdurusa sa isang Araw na hindi makapagdudulot doon ang isang magulang para sa anak niya at hindi makapagdudulot ang isang inanak para sa magulang niya ng anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ng pagganti sa Araw ng Pagbangon ay napagtibay at magaganap nang walang pasubali kaya huwag ngang manlinlang sa inyo ang buhay pangmundo sa pamamagitan ng taglay nitong mga ninanasa at mga pampalibang at huwag ngang mandaya sa inyo ang demonyo hinggil sa pagtitimpi ni Allāh sa inyo at pagpapahuli Niya ng pagdurusa sa inyo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم