Kung maninisi si Allāh sa mga tao dahil sa nakamit nila ay hindi na sana Siya nag-iwan sa ibabaw nito ng anumang hayop na umuusad subalit nagpapahuli Siya sa kanila hanggang sa isang taning na tinukoy. Kaya kapag dumating ang taning nila, tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay laging Nakakikita.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung magmamadali si Allāh sa pagpaparusa sa mga tao dahil sa nagawa nilang mga pagsuway at nagawa nilang mga kasalanan ay talaga sanang nagpasawi Siya sa lahat ng mga naninirahan sa lupa kaagad at sa minamay-ari nilang mga hayop at mga yaman subalit Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay nagpapahuli sa kanila hanggang sa isang taning na tinakdaan sa kaalaman Niya, ang Araw ng Pagbangon. Kaya kapag dumating ang Araw ng Pagbangon, tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay laging Nakakikita: walang naikukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman, at gaganti sa kanila sa mga gawa nila: kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [ang ganti].
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم