Tunay na ako ay nagnanais na pumasan ka sa kasalanan ko at kasalanan mo kaya ikaw ay magiging kabilang sa mga mananahan sa Apoy. Iyon ay ganti sa mga lumalabag sa katarungan."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya nagsabi pa si Abel kay Cain habang naninindak: "Tunay na ako ay nagnanais na manumbalik ka kalakip ng kasalanan ng pagpatay sa akin, dala ng kawalang-katarungan at paglabag, karagdagan sa mga kasalanan mong nauna para ikaw ay maging kabilang sa mga maninirahan sa Apoy, na papasok doon sa Araw ng Pagbangon. Ang ganting iyon ay ang ganti sa mga lumalabag. Ako ay hindi nagnanais na manumbalik kalakip ng kasalanan ng pagpatay sa iyo para ako ay maging kabilang sa kanila."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم