Ninanais lamang ng demonyo na paganapin sa pagitan ninyo ang poot at ang suklam dahil sa alak at pagpusta, at hadlangan kayo sa pag-alaala kay Allāh at sa pagdarasal, kaya kayo ba ay mga titigil?
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nilalayon lamang ng demonyo sa paghahalina sa nakalalasing at sugal ang pagpapaganap ng poot at suklam sa pagitan ng mga puso at ang pagbaling palayo sa pag-alaala kay Allāh at sa pagdarasal, kaya kayo ba, O mga mananampalataya, ay mga mag-iiwan sa mga nakasasamang ito? Walang duda na iyon ay ang nababagay sa inyo kaya tumigil kayo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم