Talagang kayo ay higit na matindi sa sindak sa mga dibdib nila kaysa kay Allāh. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Talagang kayo, O mga mananampalataya, ay higit na matindi sa pagpapangamba sa mga puso ng mga mapagpaimbabaw at mga Hudyo kaysa kay Allāh. Ang nabanggit na iyon - dala ng tindi ng pangamba nila sa inyo at hina ng pangamba nila kay Allāh - ay dahilan sa sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa at hindi nakaiintindi yayamang kung sakaling sila ay nakapag-uunawa ay talaga sanang nalaman nila na si Allāh ay higit na karapat-dapat na pangambahan at na pangilabutan sapagkat Siya ang nagpangibabaw sa inyo laban sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم