Ang mga tumahan sa tahanan [sa Madīnah] at pananampalataya, mula ng bago pa ng mga [nagsilikas na] iyon, ay umiibig sa sinumang lumikas sa kanila. Hindi sila nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang pangangailangan sa anumang ibinigay sa mga iyon at nagtatangi sila [sa mga iyon] higit sa mga sarili nila, kahit pa man sa kanila ay may kadahupan. Ang sinumang napangangalagaan sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang mga Tagaadya na nanirahan sa Madīnah bago pa man ng mga Lumikas at pumili sa pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay umiibig sa sinumang lumikas sa kanila mula sa Makkah. Hindi sila nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang ngitngit ni pagkainggit sa mga lumikas sa landas ni Allāh nang hindi sila nabigyan ng anuman mula sa nakumpiska. Inuuna nila ang mga Lumikas higit sa mga sarili nila sa mga bahaging pangmundo, kahit pa man sila ay mga nagtataglay ng karalitaan at pangangailangan. Ang sinumang napangangalagaan ni Allāh sa kasigasigan ng sarili niya sa yaman, kaya naman nagkakaloob siya sa landas ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga magwawagi sa pamamagitan ng pagtamo sa inaasahan nila at ng pagkaligtas sa pinangingilabutan nila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم