Surah Luqman in Tagalog

Si Luqman · سورة لقمان

Meccan Verses: 34 Juz 21 Page 411 Revelation order: 57
Translation:
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

الٓمٓ ١

Alif. Lām. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.

تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡحَكِيمِ ٢

Itong mga talatang ibinaba sa iyo, O Sugo, ay ang mga talata ng Aklat na bumibigkas ng karunungan.

هُدࣰى وَرَحۡمَةࣰ لِّلۡمُحۡسِنِينَ ٣

Ito ay isang kapatnubayan at awa para sa mga nagpapaganda ng gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga karapatan ng Panginoon nila at mga karapatan ng mga tao.

ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ ٤

[Sila] ang mga nagsasagawa ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na anyo at nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila, at sila ay mga nakatitiyak sa anumang nasa Kabilang-buhay na pagbubuhay na muli, pagtutuos, gantimpala, at parusa.

أُوْلَٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدࣰى مِّن رَّبِّهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ ٥

Ang mga nailalarawang iyon sa katangiang iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila. Ang mga iyon ay ang mga magwawagi sa pamamagitan ng pagtamo sa hinihiling nila at pagkakalayo sa anumang pinangingilabutan nila.

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَشۡتَرِي لَهۡوَ ٱلۡحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمࣲ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابࣱ مُّهِينࣱ ٦

May mga tao - tulad ni An-Naḍr bin Al-Ḥārith - na pumipili sa mga usapang nagpapalibang upang magpabaling sa mga tao sa mga iyon palayo sa Relihiyon ni Allāh nang walang kaalaman, at gumagawa sa mga talata ni Allāh bilang isang biro na nilalait nila. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay magkakaroon ng isang pagdurusang mang-aaba sa Kabilang-buhay.

وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا وَلَّىٰ مُسۡتَكۡبِرࣰا كَأَن لَّمۡ يَسۡمَعۡهَا كَأَنَّ فِيٓ أُذُنَيۡهِ وَقۡرࣰاۖ فَبَشِّرۡهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ ٧

Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin ay tumatalikod siya na nagmamalaki sa paglayo sa pakikinig sa mga ito, na para bang hindi siya nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi sa pagdinig sa mga tinig. Kaya magbalita ka sa kanya, O Sugo, hinggil sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanya.

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ جَنَّٰتُ ٱلنَّعِيمِ ٨

Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ang mga hardin ng kaginhawahan, na magpapakaginhawa sila sa anumang inihanda ni Allāh para sa kanila roon.

خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقࣰّاۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ ٩

bilang mga mamamalagi roon, nangako sa kanila si Allāh niyon bilang isang pangakong totoo na walang duda rito. Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang Makapangyarihang hindi magagapi ng isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.

خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ بِغَيۡرِ عَمَدࣲ تَرَوۡنَهَاۖ وَأَلۡقَىٰ فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِكُمۡ وَبَثَّ فِيهَا مِن كُلِّ دَآبَّةࣲۚ وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءࣰ فَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجࣲ كَرِيمٍ ١٠

Lumikha si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - ng mga langit nang nakaangat na walang mga haligi. Nagtukod Siya sa lupa ng mga bundok na matatag upang hindi mayanig ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya sa ibabaw ng lupa ng mga uri ng hayop. Nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan at nagpatubo sa lupa ng bawat uring marikit ang tanawin, na nakikinabang ang mga tao at ang mga hayop.

هَٰذَا خَلۡقُ ٱللَّهِ فَأَرُونِي مَاذَا خَلَقَ ٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦۚ بَلِ ٱلظَّٰلِمُونَ فِي ضَلَٰلࣲ مُّبِينࣲ ١١

Itong nabanggit ay nilikha ni Allāh kaya magpakita kayo sa akin, O mga tagapagtambal, kung ano ang nilikha ng mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh! Bagkus ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag sa katotohanan yayamang nagtatambal sila kasama sa Panginoon nila ng hindi nakalilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha.

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا لُقۡمَٰنَ ٱلۡحِكۡمَةَ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِلَّهِۚ وَمَن يَشۡكُرۡ فَإِنَّمَا يَشۡكُرُ لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدࣱ ١٢

Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng pagkaunawa sa relihiyon at pagkatama sa mga usapin. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka, O Luqmān, sa Panginoon mo noon sa ibiniyaya Niya sa iyo na pagtutuon sa pagtalima sa Kanya." Ang sinumang nagpapasalamat sa Panginoon niya, ang pakinabang sa pasasalamat niya ay bumabalik lamang sa sarili niya sapagkat si Allāh ay walang-pangangailangan sa pasasalamat niya. Ang sinumang nagkaila sa biyaya ni Allāh sa kanya at tumangging sumampalataya kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya niya ay sa kanya at hindi napipinsala si Allāh ng anuman sapagkat Siya ay walang-pangangailangan sa nilikha Niya sa kalahatan, pinapupurihan sa bawat kalagayan.

وَإِذۡ قَالَ لُقۡمَٰنُ لِٱبۡنِهِۦ وَهُوَ يَعِظُهُۥ يَٰبُنَيَّ لَا تُشۡرِكۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّ ٱلشِّرۡكَ لَظُلۡمٌ عَظِيمࣱ ١٣

Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nagpapaibig dito sa kabutihan at nagpapaingat dito laban sa kasamaan: "O anak ko, huwag kang sumamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya. Tunay na ang pagsamba sa isang sinasamba kasama kay Allāh ay isang paglabag sa katarungan, na sukdulan para sa kaluluwa dahil sa paggawa ng pinakasukdulang pagkakasala na nagpapahantong sa pagpapanatili rito sa Apoy."

وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ وَهۡنًا عَلَىٰ وَهۡنࣲ وَفِصَٰلُهُۥ فِي عَامَيۡنِ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيۡكَ إِلَيَّ ٱلۡمَصِيرُ ١٤

Nagtagubilin sa tao hinggil sa pagtalima sa mga magulang niya at pagpapakabuti sa kanilang dalawa sa anumang walang pagsuway roon kay Allāh. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa tiyan nito habang dumaranas ng isang hirap matapos ng isang hirap. Ang pagpapatigil sa kanya sa pagpapasuso ay sa dalawang taon. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa iyo na mga biyaya, pagkatapos ay sa mga magulang mo sa isinagawa nilang dalawa ng pag-aalaga sa iyo at pangangalaga." Tungo sa Akin - tanging sa Akin - ang panunumbalikan para gumanti Ako sa bawat isa ng anumang nagigindapat ito.

وَإِن جَٰهَدَاكَ عَلَىٰٓ أَن تُشۡرِكَ بِي مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمࣱ فَلَا تُطِعۡهُمَاۖ وَصَاحِبۡهُمَا فِي ٱلدُّنۡيَا مَعۡرُوفࣰاۖ وَٱتَّبِعۡ سَبِيلَ مَنۡ أَنَابَ إِلَيَّۚ ثُمَّ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ١٥

Kung gumawa ang mga magulang ng pagsisikap upang magbunsod sa iyo na magtambal ka kay Allāh ng iba pa sa Kanya dala ng pagdodomina mula sa kanilang dalawa ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa roon dahil walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagapaglikha. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa pagpapakabuti, pagpapanatili ng ugnayan, at paggawa ng maganda. Sumunod ka sa daan ng nagsisi sa Akin ayon sa paniniwala sa kaisahan Ko at pagtalima. Pagkatapos ay sa Akin - tanging sa Akin - sa Araw ng Pagbangon ang panunumbalikan ninyo sa kalahatan at magbabalita AKo sa inyo ng anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo na gawain at gaganti Ako sa inyo dahil doon.

يَٰبُنَيَّ إِنَّهَآ إِن تَكُ مِثۡقَالَ حَبَّةࣲ مِّنۡ خَرۡدَلࣲ فَتَكُن فِي صَخۡرَةٍ أَوۡ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ أَوۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَأۡتِ بِهَا ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرࣱ ١٦

[Nagsabi si Luqmān]: "O anak ko, tunay na ang masagwang gawa o ang magandang gawa, naging gaano man kaliit ito tulad ng bigat ng isang buto ng mustasa at naging nasa ilalim ng isang bato na walang nakababatid doon na isa man o nasa alinmang pook sa mga langit o sa lupa, tunay na si Allāh ay maglalahad nito sa Araw ng Pagbangon at gaganti sa tao dahil doon. Tunay na si Allāh ay Nakatatalos: walang naikukubli sa Kanya na mga kaliit-liitan ng mga bagay, Nakababatid sa mga reyalidad ng mga ito at kinalalagyan ng mga ito.

يَٰبُنَيَّ أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ وَأۡمُرۡ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَٱنۡهَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَآ أَصَابَكَۖ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنۡ عَزۡمِ ٱلۡأُمُورِ ١٧

O anak ko, magpanatili ka ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ayon sa pinakalubos na paraan, mag-utos ka ng nakabubuti, sumaway ka ng nakasasama, at magtiis ka sa anumang dumapo sa iyo na anumang nakasusuklam dahil doon. Tunay na ang ipinag-utos sa iyo kabilang doon ay kabilang sa pinagpasyahan ni Allāh sa iyo na gawin mo kaya walang mapagpipilian para sa iyo rito.

وَلَا تُصَعِّرۡ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمۡشِ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَرَحًاۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخۡتَالࣲ فَخُورࣲ ١٨

Huwag kang maglihis ng mukha mo palayo sa mga tao dala ng pagmamalaki at huwag kang maglakad sa ibabaw ng lupa dala ng pagpapakasaya habang humahanga sa sarili mo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mayabang sa paglalakad niya, na hambog sa anumang ibinigay sa kanya na mga biyaya, na nagmamalaki ang mga ito sa mga tao at hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga ito.

وَٱقۡصِدۡ فِي مَشۡيِكَ وَٱغۡضُضۡ مِن صَوۡتِكَۚ إِنَّ أَنكَرَ ٱلۡأَصۡوَٰتِ لَصَوۡتُ ٱلۡحَمِيرِ ١٩

Magpakakatamtaman ka sa paglakad mo sa pagitan ng pagpapabilis at paggapang, sa isang paglakad na nagpapakita ng kapitaganan. Magbaba ka ng tinig mo; huwag mong itaas ito sa isang pagtataas na nakasasakit. Tunay na ang pinakapangit sa mga tinig ay talagang ang tinig ng mga asno dahil sa pagkakataas ng mga tinig ng mga ito.

أَلَمۡ تَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَأَسۡبَغَ عَلَيۡكُمۡ نِعَمَهُۥ ظَٰهِرَةࣰ وَبَاطِنَةࣰۗ وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَٰدِلُ فِي ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمࣲ وَلَا هُدࣰى وَلَا كِتَٰبࣲ مُّنِيرࣲ ٢٠

Hindi ba kayo nakakita at nakasaksi, O mga tao, na si Allāh ay nagpadali para sa inyo ng pakikinabang sa nasa mga langit na araw, buwan, at mga planeta; nagpadali para sa inyo rin sa nasa lupa na mga hayop, mga puno, at mga halaman; at nagpalubos sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran sa mga mata gaya ng karikitan ng larawan at kagandahan ng anyo, at pakubling patago gaya ng pagkaunawa at kaalaman? Sa kabila ng pagkakaroon ng mga biyayang ito, mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh nang walang kaalamang nakabatay sa isang kasi mula kay Allāh o isang pagkaunawang nakapagbibigay-liwanag at walang aklat na maliwanag na ibinaba mula kay Allāh.

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّبِعُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُواْ بَلۡ نَتَّبِعُ مَا وَجَدۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ يَدۡعُوهُمۡ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ ٢١

Kapag sinabi sa kanila na nakikipagdebate sa kaisahan ni Allah: "Sundin ninyo ang ibinaba ni Allāh sa Kanyang sugo na mula sa kasi," nagsabi sila: "Hindi namin ito susundin. Bagkus sinusunod namin ang natagpuan namin sa mga magulang namin na pagsamba sa mga diyos namin." Kahit ba ang Demonyo ay nag-aanyaya sa kanila -sa pamamagitan ng pagligaw niya sa kanila na pagsamba sa mga rebulto- sa pagdurusa sa Impiyerno sa araw ng Pagkabuhay?!

۞ وَمَن يُسۡلِمۡ وَجۡهَهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنࣱ فَقَدِ ٱسۡتَمۡسَكَ بِٱلۡعُرۡوَةِ ٱلۡوُثۡقَىٰۗ وَإِلَى ٱللَّهِ عَٰقِبَةُ ٱلۡأُمُورِ ٢٢

Ang sinumang nag-ukol ng sarili kay Allāh habang nagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba at nagpapaganda sa gawa ay nakahawak siya sa pinakamatibay na makakapitan ng sinumang umaasa ng pagkaligtas yayamang hindi siya nangangamba sa pagkaputol ng hinawakan niya. Tungo kay Allāh - tanging sa Kanya - ang kahahantungan ng mga usapin at ang panunumbalikan ng mga ito para gumantimpala Siya sa bawat isa ayon sa nagigindapat dito.

وَمَن كَفَرَ فَلَا يَحۡزُنكَ كُفۡرُهُۥٓۚ إِلَيۡنَا مَرۡجِعُهُمۡ فَنُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ ٢٣

Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo, O Sugo, ang kawalang-pananampalataya niya. Sa Amin - tanging sa Amin - ang panunumbalikan nila sa Araw ng Pagbangon at magbabalita Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila na mga masagwang gawa sa Mundo at gaganti Kami sa kanila dahil sa mga ito. Tunay na si Allāh ay Maalam sa nasa mga dibdib: walang naikukubli sa Kanya na anuman sa nasa mga ito.

نُمَتِّعُهُمۡ قَلِيلࣰا ثُمَّ نَضۡطَرُّهُمۡ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظࣲ ٢٤

Magpapatamasa Kami sa kanila ng ibinibigay Namin sa kanila na mga pampasarap sa Mundo sa kaunting panahon, pagkatapos ay magpapadulog Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa isang pagdurusang matindi, ang pagdurusa sa Apoy.

وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ ٢٥

Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kung sino ang lumikha sa mga langit at sino ang lumikha sa lupa ay talagang magsasabi nga sila na ang lumikha sa mga ito ay si Allāh. Sabihin mo sa kanila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpalitaw sa katwiran sa inyo." Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam sa kung sino ang nagigindapat sa papuri dahil sa kamangmangan nila.

لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ ٢٦

Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ang anumang nasa mga langit at lupa sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa. Tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng mga nilikha Niya, ang Pinapupurihan sa Mundo at Kabilang-buhay.

وَلَوۡ أَنَّمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن شَجَرَةٍ أَقۡلَٰمࣱ وَٱلۡبَحۡرُ يَمُدُّهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦ سَبۡعَةُ أَبۡحُرࣲ مَّا نَفِدَتۡ كَلِمَٰتُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمࣱ ٢٧

Kung sakaling ang anumang nasa lupa na punong-kahoy ay pinutol at tinasahan para maging mga panulat at ginawa ang dagat na tinta para sa mga iyon, at kung sakaling dinagdagan ito ng pitong dagat, hindi mauubos ang mga salita ni Allāh dahil sa kawalan ng pagwawakas ng mga ito. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan: walang nakadaraig sa Kanya na isa man, Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.

مَّا خَلۡقُكُمۡ وَلَا بَعۡثُكُمۡ إِلَّا كَنَفۡسࣲ وَٰحِدَةٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٌ ٢٨

Walang iba ang pagkalikha sa inyo, o mga tao, ni ang pagbuhay sa inyo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti kundi gaya ng pagkalikha sa iisang kaluluwa at pagbuhay rito sa kadalian. Tunay na si Allāh ay Madinigin: hindi nakaaabala sa Kanya ang pagkarinig sa isang tinig palayo sa pagkarinig sa iba pang tinig, Nakakikita: hindi nakaaabala sa Kanya ang pagkakita sa isang bagay palayo sa pagkakita sa iba pang bagay. Gayon din, hindi nakaaabala sa Kanya ang paglikha sa isang kaluluwa at ang pagbuhay rito palayo sa paglikha ng iba pa at pagbuhay niyon.

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلࣱّ يَجۡرِيٓ إِلَىٰٓ أَجَلࣲ مُّسَمࣰّى وَأَنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرࣱ ٢٩

Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay bumabawas mula sa gabi upang magdagdag sa maghapon, bumabawas mula sa maghapon upang magdagdag sa gabi, nagtakda sa daanan ng araw at buwan yayamang umiinog ang bawat isa sa nililibutan nito tungo sa isang yugtong tinakdaan, at na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya na anuman sa mga gawain ninyo at gaganti sa inyo sa mga iyon?

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلۡبَٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ ٣٠

Ang pangangasiwa at ang pagtatakdang iyon ay sumasaksi na si Allāh - tanging Siya - ay ang totoo sapagkat Siya ay totoo sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya; na ang sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanang walang batayan; at na si Allāh ay ang Mataas sa sarili Niya, paglupig Niya, at halaga Niya sa lahat ng mga nilikha Niya, na walang higit na mataas kaysa sa Kanya, ang siyang higit na Malaki sa bawat bagay.

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱلۡفُلۡكَ تَجۡرِي فِي ٱلۡبَحۡرِ بِنِعۡمَتِ ٱللَّهِ لِيُرِيَكُم مِّنۡ ءَايَٰتِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتࣲ لِّكُلِّ صَبَّارࣲ شَكُورࣲ ٣١

Hindi ka ba nakakita na ang mga daong ay naglalayag sa dagat dahil sa kabaitan Niya at pagpapalingkod Niya upang magpakita Siya sa inyo, O mga tao, ng mga tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya - kaluwalhatian sa Kanya - at kabaitan Niya? Tunay sa gayon ay talagang may mga katunayan sa kakayahan Niya para sa bawat palatiis sa anumang tumatama sa kanya na kariwaraan, na mapagpasalamat sa anumang dumadapo sa kanya na kaginhawahan.

وَإِذَا غَشِيَهُم مَّوۡجࣱ كَٱلظُّلَلِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ فَمِنۡهُم مُّقۡتَصِدࣱۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا كُلُّ خَتَّارࣲ كَفُورࣲ ٣٢

Kapag pumaligid sa kanila mula sa bawat gilid ang mga alon na tulad ng mga bundok at mga ulap ay dumadalangin sila kay Allāh - tanging sa Kanya - bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagdalangin at pagsamba; ngunit noong tumugon si Allāh sa kanila, nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, at naligtas sila sa pagkalunod, mayroon sa kanila na katamtaman: hindi nagsagawa ng kinailangan sa kanya na pasasalamat ayon sa paraang lubos, at mayroon sa kanila na tagapagkaila sa biyaya ni Allāh. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat taksil sa pangako - tulad ng nakipagkasundo kay Allāh na talagang kung ililigtas siya ay talagang magiging kabilang nga siya sa mga tagapagpasalamat kay Allāh - na palatangging magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh: hindi siya nagpapasalamat sa Panginoon niya na nagbiyaya nga mga ito sa kanya.

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمۡ وَٱخۡشَوۡاْ يَوۡمࣰا لَّا يَجۡزِي وَالِدٌ عَن وَلَدِهِۦ وَلَا مَوۡلُودٌ هُوَ جَازٍ عَن وَالِدِهِۦ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقࣱّۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ ٣٣

O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at mangamba kayo sa pagdurusa sa isang Araw na hindi makapagdudulot doon ang isang magulang para sa anak niya at hindi makapagdudulot ang isang inanak para sa magulang niya ng anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ng pagganti sa Araw ng Pagbangon ay napagtibay at magaganap nang walang pasubali kaya huwag ngang manlinlang sa inyo ang buhay pangmundo sa pamamagitan ng taglay nitong mga ninanasa at mga pampalibang at huwag ngang mandaya sa inyo ang demonyo hinggil sa pagtitimpi ni Allāh sa inyo at pagpapahuli Niya ng pagdurusa sa inyo.

إِنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ ٱلۡغَيۡثَ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلۡأَرۡحَامِۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسࣱ مَّاذَا تَكۡسِبُ غَدࣰاۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسُۢ بِأَيِّ أَرۡضࣲ تَمُوتُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرُۢ ٣٤

Tunay na si Allāh ay may taglay - tanging Siya - ng kaalaman sa Huling Sandali sapagkat nalalaman Niya kung kailan iyon magaganap, nagbababa ng ulan kung kailan Niya niloob, at nakaaalam sa anumang nasa mga sinapupunan kung lalaki ba ito o babae, kung malumbay o maligaya. Hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan na kabutihan o kasamaan, at hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay, bagkus si Allāh ay ang nakaaalam niyon sa kabuuan niyon. Tunay na si Allāh ay Maalam, Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon.

Other translations of this surah

Tafsir of this surah in Arabic Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran

Surahs

1 Al-Fatihah Al-Fâtiha · 7 verses · Meccan Juz 1 · Revealed 5 الفاتحة 2 Al-Baqarah Ang Baka · 286 verses · Medinan Juz 1 · Revealed 87 البقرة 3 Al-Imran Ang Pamilya ni Imran · 200 verses · Medinan Juz 3 · Revealed 89 آل عمران 4 An-Nisa' Ang Kababaihan · 176 verses · Medinan Juz 4 · Revealed 92 النساء 5 Al-Ma'idah Ang Hapag na may Pagkain · 120 verses · Medinan Juz 6 · Revealed 112 المائدة 6 Al-An'am Ang mga Baka · 165 verses · Meccan Juz 7 · Revealed 55 الأنعام 7 Al-A'raf Ang mga Matatayog na Pader · 206 verses · Meccan Juz 8 · Revealed 39 الأعراف 8 Al-Anfal Ang mga Labi ng Digmaan · 75 verses · Medinan Juz 9 · Revealed 88 الأنفال 9 At-Taubah Ang Pagsisisi · 129 verses · Medinan Juz 10 · Revealed 113 التوبة 10 Yunus Si Propeta Jonah · 109 verses · Meccan Juz 11 · Revealed 51 يونس 11 Hood Si Propeta Hud · 123 verses · Meccan Juz 11 · Revealed 52 هود 12 Yusuf Si Propeta Jose · 111 verses · Meccan Juz 12 · Revealed 53 يوسف 13 Ar-Ra'd Ang Kidlat · 43 verses · Medinan Juz 13 · Revealed 96 الرعد 14 Ibrahim Si Propeta Ibrahim · 52 verses · Meccan Juz 13 · Revealed 72 إبراهيم 15 Al-Hijr Ang Mabatong Lupain · 99 verses · Meccan Juz 14 · Revealed 54 الحجر 16 An-Nahl Ang Bubuyog · 128 verses · Meccan Juz 14 · Revealed 70 النحل 17 Al-Isra Ang mga Angkan ni Israel · 111 verses · Meccan Juz 15 · Revealed 50 الإسراء 18 Al-Kahf Ang Yungib · 110 verses · Meccan Juz 15 · Revealed 69 الكهف 19 Maryam Si Maria · 98 verses · Meccan Juz 16 · Revealed 44 مريم 20 Ta­Ha Ta Ha · 135 verses · Meccan Juz 16 · Revealed 45 طه 21 Al-Anbiya' Ang mga Propeta · 112 verses · Meccan Juz 17 · Revealed 73 الأنبياء 22 Al-Hajj Ang Itinakdang Paglalakbay sa · 78 verses · Medinan Juz 17 · Revealed 103 الحج 23 Al-Mu'minun Ang mga Mananampalataya · 118 verses · Meccan Juz 18 · Revealed 74 المؤمنون 24 An-Nur Ang Liwanag · 64 verses · Medinan Juz 18 · Revealed 102 النور 25 Al-Furqan Ang Panuri · 77 verses · Meccan Juz 18 · Revealed 42 الفرقان 26 Ash-Shu'ara' Ang mga Makata · 227 verses · Meccan Juz 19 · Revealed 47 الشعراء 27 An-Naml Ang mga Langgam · 93 verses · Meccan Juz 19 · Revealed 48 النمل 28 Al-Qasas Ang Salaysay · 88 verses · Meccan Juz 20 · Revealed 49 القصص 29 Al-'Ankabut Ang Gagamba · 69 verses · Meccan Juz 20 · Revealed 85 العنكبوت 30 Ar­Room Ang mga Romano · 60 verses · Meccan Juz 21 · Revealed 84 الروم 31 Luqman Si Luqman · 34 verses · Meccan Juz 21 · Revealed 57 لقمان 32 As­Sajdah Ang Pagpapatirapa · 30 verses · Meccan Juz 21 · Revealed 75 السجدة 33 Al­Ahzab Ang mga Magkakaanib · 73 verses · Medinan Juz 21 · Revealed 90 الأحزاب 34 Saba' Ang Sheba · 54 verses · Meccan Juz 22 · Revealed 58 سبأ 35 Fatir Ang Lumikha · 45 verses · Meccan Juz 22 · Revealed 43 فاطر 36 Ya­Sin Ya Sin · 83 verses · Meccan Juz 22 · Revealed 41 يس 37 As-Saffat Ang mga Inihanay sa mga Antas · 182 verses · Meccan Juz 23 · Revealed 56 الصافات 38 Sad 88 verses · Meccan Juz 23 · Revealed 38 ص 39 Az-Zumar Ang mga Pangkat · 75 verses · Meccan Juz 23 · Revealed 59 الزمر 40 Ghafir Ang Mapagpatawad · 85 verses · Meccan Juz 24 · Revealed 60 غافر 41 Fussilat Ang Masusing Pagpapaliwanag · 54 verses · Meccan Juz 24 · Revealed 61 فصلت 42 Ash-Shura Ang Sanggunian · 53 verses · Meccan Juz 25 · Revealed 62 الشورى 43 Az-Zukhruf Ang mga Palamuting Ginto · 89 verses · Meccan Juz 25 · Revealed 63 الزخرف 44 Ad-Dukhan Ang Usok · 59 verses · Meccan Juz 25 · Revealed 64 الدخان 45 Al-Jathiya Ang Pagluhod · 37 verses · Meccan Juz 25 · Revealed 65 الجاثية 46 Al-Ahqaf Ang mga Nakalikong Bunton ng B · 35 verses · Meccan Juz 26 · Revealed 66 الأحقاف 47 Muhammad Ang Pakikipaglaban · 38 verses · Medinan Juz 26 · Revealed 96 محمد 48 Al-Fath Ang Tagumpay · 29 verses · Medinan Juz 26 · Revealed 111 الفتح 49 Al-Hujurat Ang mga Tirahan · 18 verses · Medinan Juz 26 · Revealed 106 الحجرات 50 Qaf 45 verses · Meccan Juz 26 · Revealed 34 ق 51 Az-Zariyat Ang mga Hanging Nagkakalat · 60 verses · Meccan Juz 26 · Revealed 67 الذاريات 52 At-Tur Ang Bundok · 49 verses · Meccan Juz 27 · Revealed 76 الطور 53 An-Najm Ang Bituin · 62 verses · Meccan Juz 27 · Revealed 23 النجم 54 Al-Qamar Ang Buwan · 55 verses · Meccan Juz 27 · Revealed 37 القمر 55 Ar-Rahman Ang Mapagpala · 78 verses · Medinan Juz 27 · Revealed 97 الرحمن 56 Al-Waqi'ah Ang Pangyayari · 96 verses · Meccan Juz 27 · Revealed 46 الواقعة 57 Al-Hadid Ang Bakal · 29 verses · Medinan Juz 27 · Revealed 94 الحديد 58 Al-Mujadilah Ang Nakikipagtalong Babae · 22 verses · Medinan Juz 28 · Revealed 105 المجادلة 59 Al-Hashr Ang Pagtitipun-tipon · 24 verses · Medinan Juz 28 · Revealed 101 الحشر 60 Al-Mumtahinah Ang Babaing Sisiyasatin · 13 verses · Medinan Juz 28 · Revealed 91 الممتحنة 61 As-Saff Ang Hanay · 14 verses · Medinan Juz 28 · Revealed 109 الصف 62 Al-Jumu'ah Ang Biyernes · 11 verses · Medinan Juz 28 · Revealed 110 الجمعة 63 Al-Munafiqun Ang mga Mapagkunwari · 11 verses · Medinan Juz 28 · Revealed 104 المنافقون 64 At-Taghabun Ang Kapwa Pagkatalo at Pagkapa · 18 verses · Medinan Juz 28 · Revealed 108 التغابن 65 At-Talaq Ang Diborsiyo · 12 verses · Medinan Juz 28 · Revealed 99 الطلاق 66 At-Tahrim Ang Ipinagbabawal · 12 verses · Medinan Juz 28 · Revealed 107 التحريم 67 Al-Mulk Ang Kaharian · 30 verses · Meccan Juz 29 · Revealed 77 الملك 68 Al-Qalam Ang Panulat · 52 verses · Meccan Juz 29 · Revealed 2 القلم 69 Al-Haqqah Ang Tiyak na Mangyayari · 52 verses · Meccan Juz 29 · Revealed 87 الحاقة 70 Al-Ma'arij Ang mga Landas ng Pag-akyat · 44 verses · Meccan Juz 29 · Revealed 79 المعارج 71 Nooh Si Propeta Noah · 28 verses · Meccan Juz 29 · Revealed 71 نوح 72 Al-Jinn Ang Jinn · 28 verses · Meccan Juz 29 · Revealed 40 الجن 73 Al-Muzzammil Ang Nakabalabal sa Damit · 20 verses · Meccan Juz 29 · Revealed 3 المزمل 74 Al-Muddaththir Ang Nakabalot · 56 verses · Meccan Juz 29 · Revealed 4 المدثر 75 Al-Qiyamah Ang Pagkabuhay-Muli · 40 verses · Meccan Juz 29 · Revealed 31 القيامة 76 Al-Insan Ang Tao · 31 verses · Medinan Juz 29 · Revealed 98 الإنسان 77 Al-Mursalat Ang mga Ipinadala · 50 verses · Meccan Juz 29 · Revealed 33 المرسلات 78 An-Naba' Ang mga Balita · 40 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 80 النبأ 79 An-Nazi'at Ang mga Humuhugot · 46 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 81 النازعات 80 'Abasa Siya'y Nangunot-Noo · 42 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 24 عبس 81 At-Takwir Ang Pagtiklop · 29 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 7 التكوير 82 Al-Infitar Ang Pagkabiyak · 19 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 82 الإنفطار 83 Al-Mutaffifin Ang mga Mandaraya · 36 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 86 المطففين 84 Al-Inshiqaq Ang Pagkalansag · 25 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 83 الإنشقاق 85 Al-Buruj Ang Malalaking Buntala · 22 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 27 البروج 86 At-Tariq Ang Panggabing Panauhin · 17 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 36 الطارق 87 Al-A'la Ang Kataas-taasan · 19 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 8 الأعلى 88 Al-Ghashiyah Ang Nakapananaig · 26 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 68 الغاشية 89 Al-Fajr Ang Bukang-Liwayway · 30 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 10 الفجر 90 Al-Balad Ang Lungsod · 20 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 35 البلد 91 Ash-Shams Ang Araw · 15 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 26 الشمس 92 Al-Lail Ang Gabi · 21 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 9 الليل 93 Ad-Duha Ang Umaga · 11 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 11 الضحى 94 Ash-Sharh Ang Pagpapalawak · 8 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 12 الشرح 95 At-Tin Ang Igos · 8 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 28 التين 96 Al-'Alaq Ang Namumuong Dugo · 19 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 1 العلق 97 Al-Qadr Ang Gabi ng Kahatulan · 5 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 25 القدر 98 Al-Baiyinah Ang Maliwanag na Katibayan · 8 verses · Medinan Juz 30 · Revealed 100 البينة 99 Az-Zalzalah Ang Lindol · 8 verses · Medinan Juz 30 · Revealed 93 الزلزلة 100 Al-'Adiyat Ang mga Rumaragasa · 11 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 14 العاديات 101 Al-Qari'ah Ang Araw ng Malakas na Hiyawan · 11 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 30 القارعة 102 At-Takathur Ang Paglikom · 8 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 16 التكاثر 103 Al-'Asr Ang Panahon · 3 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 13 العصر 104 Al-Humazah Ang Mapanirang-Puri · 9 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 32 الهمزة 105 Al-Fil Ang Elepante · 5 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 19 الفيل 106 Quraish Ang Tribo ng Quraish · 4 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 29 قريش 107 Al-Ma'un Ang Pangangailangan ng Kapuwa · 7 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 17 الماعون 108 Al-Kauthar Ang Kasaganaan · 3 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 15 الكوثر 109 Al-Kafirun Ang mga Nagtatakwil ng Pananam · 6 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 18 الكافرون 110 An-Nasr Ang Tagumpay · 3 verses · Medinan Juz 30 · Revealed 114 النصر 111 Al-Masad Ang Apoy / Ang Hibla · 5 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 6 المسد 112 Al-Ikhlas Ang Kadalisayan ng Pananampala · 4 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 22 الإخلاص 113 Al-Falaq Ang Madaling-araw · 5 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 20 الفلق 114 An-Nas Ang Sangkatauhan · 6 verses · Meccan Juz 30 · Revealed 21 الناس

Reading settings

View
Compare with

Pick up to two more translations to show under each verse.

Arabic size
100%
Translation size
100%
Line spacing
Theme

Verse

Arabic tafsir
Highlight

Highlights stay in this browser and are listed on the bookmarks page. /bookmarks