Surah Al-Mutaffifin in Tagalog
Ang mga Mandaraya · سورة المطففين · Verses: 36 · Meccan
Translation: Tagalog translation 1 (الترجمة الفلبينية (تجالوج))
-
1
وَيۡلࣱ لِّلۡمُطَفِّفِينَ
Kapighatian sa mga tagaumit, -
2
ٱلَّذِينَ إِذَا ٱكۡتَالُواْ عَلَى ٱلنَّاسِ يَسۡتَوۡفُونَ
na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubos, -
3
وَإِذَا كَالُوهُمۡ أَو وَّزَنُوهُمۡ يُخۡسِرُونَ
at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila. -
4
أَلَا يَظُنُّ أُوْلَٰٓئِكَ أَنَّهُم مَّبۡعُوثُونَ
Hindi ba nakatiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin -
5
لِيَوۡمٍ عَظِيمࣲ
para sa isang araw na sukdulan, -
6
يَوۡمَ يَقُومُ ٱلنَّاسُ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilalang? -
7
كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡفُجَّارِ لَفِي سِجِّينࣲ
Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn. -
8
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سِجِّينࣱ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn? -
9
كِتَٰبࣱ مَّرۡقُومࣱ
Isang talaan na sinulatan. -
10
وَيۡلࣱ يَوۡمَئِذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling, -
11
ٱلَّذِينَ يُكَذِّبُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Paggantimpala. -
12
وَمَا يُكَذِّبُ بِهِۦٓ إِلَّا كُلُّ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ
At walang nagpapasinungaling doon kundi bawat tagalabag na makasalanan. -
13
إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin ay nagsasabi siya: "Mga alamat ng mga sinauna!" -
14
كَلَّاۖ بَلۡۜ رَانَ عَلَىٰ قُلُوبِهِم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Aba’y hindi! Bagkus, bumalot sa mga puso nila ang [mga pagsuway na] dati nilang nakakamit. -
15
كَلَّآ إِنَّهُمۡ عَن رَّبِّهِمۡ يَوۡمَئِذࣲ لَّمَحۡجُوبُونَ
Aba’y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan. -
16
ثُمَّ إِنَّهُمۡ لَصَالُواْ ٱلۡجَحِيمِ
Pagkatapos, tunay na sila ay talagang papasok sa Impiyerno. -
17
ثُمَّ يُقَالُ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Pagkatapos ay sasabihin sa kanila: "Ito ang dati ninyong pinabubulaanan." -
18
كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡأَبۡرَارِ لَفِي عِلِّيِّينَ
Aba’y hindi. Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn. -
19
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا عِلِّيُّونَ
At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn? -
20
كِتَٰبࣱ مَّرۡقُومࣱ
Isang talaan na sinulatan. -
21
يَشۡهَدُهُ ٱلۡمُقَرَّبُونَ
Sasaksi rito ang mga [anghel na] inilapit. -
22
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٍ
Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa Kaginhawahan, -
23
عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ
habang nasa mga supa na nakatingin. -
24
تَعۡرِفُ فِي وُجُوهِهِمۡ نَضۡرَةَ ٱلنَّعِيمِ
Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan. -
25
يُسۡقَوۡنَ مِن رَّحِيقࣲ مَّخۡتُومٍ
Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid. -
26
خِتَٰمُهُۥ مِسۡكࣱۚ وَفِي ذَٰلِكَ فَلۡيَتَنَافَسِ ٱلۡمُتَنَٰفِسُونَ
Ang panghuli nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan. -
27
وَمِزَاجُهُۥ مِن تَسۡنِيمٍ
At ang lahok nito ay mula sa Tasnīm, -
28
عَيۡنࣰا يَشۡرَبُ بِهَا ٱلۡمُقَرَّبُونَ
isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit. -
29
إِنَّ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْ كَانُواْ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يَضۡحَكُونَ
Tunay na ang mga nagkasala ay noon sa mga sumampalataya tumatawa. -
30
وَإِذَا مَرُّواْ بِهِمۡ يَتَغَامَزُونَ
At kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila. -
31
وَإِذَا ٱنقَلَبُوٓاْ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمُ ٱنقَلَبُواْ فَكِهِينَ
At kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro. -
32
وَإِذَا رَأَوۡهُمۡ قَالُوٓاْ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَضَآلُّونَ
At kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: "Tunay na ang mga ito ay talagang mga naliligaw." -
33
وَمَآ أُرۡسِلُواْ عَلَيۡهِمۡ حَٰفِظِينَ
At hindi sila ipinasugo sa mga ito bilang mga tagaingat. -
34
فَٱلۡيَوۡمَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنَ ٱلۡكُفَّارِ يَضۡحَكُونَ
Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya sa mga tagatangging sumampalataya ay tatawa -
35
عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ
habang nasa mga supa na nakatingin. -
36
هَلۡ ثُوِّبَ ٱلۡكُفَّارُ مَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ
Gagantimpalaan ba ang mga tagatangging sumampalataya ng anumang dati nilang ginagawa?