Surah Al-A'la in Tagalog
Ang Kataas-taasan · سورة الأعلى · Verses: 19 · Meccan
Translation: Tagalog translation 1 (الترجمة الفلبينية (تجالوج))
-
1
سَبِّحِ ٱسۡمَ رَبِّكَ ٱلۡأَعۡلَى
Magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Pinakamataas, -
2
ٱلَّذِي خَلَقَ فَسَوَّىٰ
na lumikha saka humubog, -
3
وَٱلَّذِي قَدَّرَ فَهَدَىٰ
na nagtakda saka nagpatnubay, -
4
وَٱلَّذِيٓ أَخۡرَجَ ٱلۡمَرۡعَىٰ
na nagpalabas ng pastulan, -
5
فَجَعَلَهُۥ غُثَآءً أَحۡوَىٰ
saka gumawa Siya rito na yagit na nangingitim. -
6
سَنُقۡرِئُكَ فَلَا تَنسَىٰٓ
Magpapabigkas Kami sa iyo [ng Qur’ān] kaya hindi ka makalilimot, -
7
إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلۡجَهۡرَ وَمَا يَخۡفَىٰ
maliban sa niloob ni Allāh; tunay na Siya ay nakaaalam sa lantad at anumang nagkukubli. -
8
وَنُيَسِّرُكَ لِلۡيُسۡرَىٰ
At magpapadali Kami sa iyo para sa pinakamadali. -
9
فَذَكِّرۡ إِن نَّفَعَتِ ٱلذِّكۡرَىٰ
Kaya magpaalaala ka kung mapakikinabangan ang paalaala. -
10
سَيَذَّكَّرُ مَن يَخۡشَىٰ
Magsasaalaala ang sinumang natatakot [kay Allāh] -
11
وَيَتَجَنَّبُهَا ٱلۡأَشۡقَى
at umiiwas dito ang pinakamalumbay, -
12
ٱلَّذِي يَصۡلَى ٱلنَّارَ ٱلۡكُبۡرَىٰ
na papasok sa Apoy na pinakamalaki. -
13
ثُمَّ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ
Pagkatapos ay hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay. -
14
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن تَزَكَّىٰ
Nagtagumpay nga ang sinumang nagpakalinis [sa kasalanan], -
15
وَذَكَرَ ٱسۡمَ رَبِّهِۦ فَصَلَّىٰ
at bumanggit sa pangalan ng Panginoon niya saka nagdasal. -
16
بَلۡ تُؤۡثِرُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
Bagkus nagtangi kayo sa pangmundong buhay -
17
وَٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرࣱ وَأَبۡقَىٰٓ
samantalang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na nananatili. -
18
إِنَّ هَٰذَا لَفِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ
Tunay na ito ay talagang nasa mga unang kalatas, -
19
صُحُفِ إِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ
sa mga kalatas nina Abraham at Moises.