Surah 'Abasa in Tagalog
Siya'y Nangunot-Noo · سورة عبس · Verses: 42 · Meccan
Translation: Tagalog translation 1 (الترجمة الفلبينية (تجالوج))
-
1
عَبَسَ وَتَوَلَّىٰٓ
Nagkunot-noo siya at tumalikod siya -
2
أَن جَآءَهُ ٱلۡأَعۡمَىٰ
dahil dumating sa kanya ang bulag. -
3
وَمَا يُدۡرِيكَ لَعَلَّهُۥ يَزَّكَّىٰٓ
At ano ang magpapabatid sa iyo na sa gayon siya ay magpapakalinis [sa kasalanan], -
4
أَوۡ يَذَّكَّرُ فَتَنفَعَهُ ٱلذِّكۡرَىٰٓ
o magsasaalaala para magpakinabang sa kanya ang paalaala? -
5
أَمَّا مَنِ ٱسۡتَغۡنَىٰ
Tungkol sa nag-akalang nakasasapat, -
6
فَأَنتَ لَهُۥ تَصَدَّىٰ
ikaw ay sa kanya nag-asikaso. -
7
وَمَا عَلَيۡكَ أَلَّا يَزَّكَّىٰ
Hindi [pananagutan] sa iyo na hindi siya magpakalinis [sa kasalanan]. -
8
وَأَمَّا مَن جَآءَكَ يَسۡعَىٰ
At tungkol naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi -
9
وَهُوَ يَخۡشَىٰ
habang siya ay natatakot [kay Allāh], -
10
فَأَنتَ عَنۡهُ تَلَهَّىٰ
ikaw ay sa kanya nagwawalang-bahala. -
11
كَلَّآ إِنَّهَا تَذۡكِرَةࣱ
Aba’y hindi! Tunay na ang mga [talatang] ito ay isang pagpapaalaala, -
12
فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ
kaya ang sinumang lumuob ay mag-aalaala siya nitong [Qur’an]. -
13
فِي صُحُفࣲ مُّكَرَّمَةࣲ
[Ito ay] nasa mga pahinang pinarangalan, -
14
مَّرۡفُوعَةࣲ مُّطَهَّرَةِۭ
na inangat na dinalisay, -
15
بِأَيۡدِي سَفَرَةࣲ
na nasa mga kamay ng mga [anghel na] tagatala, -
16
كِرَامِۭ بَرَرَةࣲ
na mararangal na mabubuting-loob. -
17
قُتِلَ ٱلۡإِنسَٰنُ مَآ أَكۡفَرَهُۥ
Sumpain ang tao; anong palatangging sumampalataya nito! -
18
مِنۡ أَيِّ شَيۡءٍ خَلَقَهُۥ
Mula sa aling bagay lumikha Siya rito? -
19
مِن نُّطۡفَةٍ خَلَقَهُۥ فَقَدَّرَهُۥ
Mula sa patak ng punlay lumikha Siya rito, at nagtakda Siya rito. -
20
ثُمَّ ٱلسَّبِيلَ يَسَّرَهُۥ
Pagkatapos ang landas ay pinadali Niya rito. -
21
ثُمَّ أَمَاتَهُۥ فَأَقۡبَرَهُۥ
Pagkatapos ay nagbigay-kamatayan Siya rito, at nagpalibing Siya rito. -
22
ثُمَّ إِذَا شَآءَ أَنشَرَهُۥ
Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito. -
23
كَلَّا لَمَّا يَقۡضِ مَآ أَمَرَهُۥ
Aba’y hindi! Hindi pa ito tumupad sa ipinag-utos Niya rito. -
24
فَلۡيَنظُرِ ٱلۡإِنسَٰنُ إِلَىٰ طَعَامِهِۦٓ
Kaya tumingin ang tao sa pagkain nito - -
25
أَنَّا صَبَبۡنَا ٱلۡمَآءَ صَبࣰّا
na Kami ay nagbuhos ng tubig sa pagbubuhos [na malakas], -
26
ثُمَّ شَقَقۡنَا ٱلۡأَرۡضَ شَقࣰّا
pagkatapos ay bumitak Kami sa lupa sa isang pagpapabitak [para sa halaman], -
27
فَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا حَبࣰّا
at nagpatubo Kami rito ng mga butil, -
28
وَعِنَبࣰا وَقَضۡبࣰا
at ubas at kumpay, -
29
وَزَيۡتُونࣰا وَنَخۡلࣰا
at oliba at datiles, -
30
وَحَدَآئِقَ غُلۡبࣰا
at mga harding malago, -
31
وَفَٰكِهَةࣰ وَأَبࣰّا
at prutas at damo - -
32
مَّتَٰعࣰا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ
bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo. -
33
فَإِذَا جَآءَتِ ٱلصَّآخَّةُ
Ngunit kapag dumating ang Dagundong -
34
يَوۡمَ يَفِرُّ ٱلۡمَرۡءُ مِنۡ أَخِيهِ
sa Araw na tatakas ang tao mula sa kapatid niya, -
35
وَأُمِّهِۦ وَأَبِيهِ
at ina niya at ama niya, -
36
وَصَٰحِبَتِهِۦ وَبَنِيهِ
at asawa niya at mga anak niya. -
37
لِكُلِّ ٱمۡرِيࣲٕ مِّنۡهُمۡ يَوۡمَئِذࣲ شَأۡنࣱ يُغۡنِيهِ
Para sa bawat tao kabilang sa kanila sa Araw na iyon ay isang kaukulang makasasapat sa kanya. -
38
وُجُوهࣱ يَوۡمَئِذࣲ مُّسۡفِرَةࣱ
May mga mukha sa Araw na iyon na nagliliwanag, -
39
ضَاحِكَةࣱ مُّسۡتَبۡشِرَةࣱ
na tumatawa na nagagalak. -
40
وَوُجُوهࣱ يَوۡمَئِذٍ عَلَيۡهَا غَبَرَةࣱ
At may mga mukha sa Araw na iyon na sa mga ito ay may alabok. -
41
تَرۡهَقُهَا قَتَرَةٌ
May lulukob sa mga ito ng isang panglaw. -
42
أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَفَرَةُ ٱلۡفَجَرَةُ
Ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya na masasamang-loob.