Nagsabi si Allāh: "Tunay na Ako ay magpapababa nito sa inyo; kaya ang sinumang tatangging sumampalataya matapos niyon kabilang sa inyo ay tunay na Ako ay magpaparusa sa kanya ng isang pagdurusang hindi Ko ipinarurusa sa isa sa mga nilalang."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya tinugon ni Allāh ang panalangin ni Hesus - sumakanya ang pangangalaga - at nagsabi: "Tunay na Ako ay magpapababa ng hapag na ito na hiniling ninyong ibaba sa inyo; kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ibaba ito ay huwag nga siyang maninisi maliban sa sarili niya sapagkat parurusahan Ko siya ng isang pagdurusang matinding hindi Ko ipinarurusa sa isa man dahil siya ay nakasaksi sa himalang kahanga-hanga kaya ang kawalang-pananampalataya niya ay naging kawalang-pananampalataya ng pagmamatigas. Isinakatuparan ni Allāh sa kanila ang pangako Niya at ibinaba Niya ito sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم