Kung sakaling sila ay gumanap sa Torah, Ebanghelyo, at anumang ibinaba sa kanila mula sa Panginoon nila, talaga sanang kumain sila mula sa itaas nila at mula sa ilalim ng mga paa nila. Kabilang sa kanila ay isang kalipunang makatwiran ngunit marami sa kanila ay kay sagwa ang ginagawa nila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung sakaling ang mga Hudyo ay gumawa ng ayon sa Torah at ang mga Kristiyano ay gumawa ng ayon sa Ebanghelyo, at gumawa silang lahat ng ayon sa ibinaba sa kanila mula sa Qur'ān, talagang padadaliin Ko sa kanila ang mga kadahilanan ng pagkamit ng panustos gaya ng pagpapababa ng ulan at pagpapatubo ng lupa. Kabilang sa mga May Kasulatan ang makatamtamang nananatili sa katotohanan ngunit ang marami kabilang sa kanila ay kay sagwa ang ginagawa nila dahil sa kawalan ng pananampalataya nila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم