Kaya naggantimpala sa kanila si Allāh dahil sa sinabi nila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga nananatili sa mga ito. Iyon ay ang ganti sa mga nagmamagandang-loob.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya ginantihan sila ni Allāh sa pagsampalataya nila at pag-amin nila sa katotohanan ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito bilang mga namamalagi sa mga ito magpakailanman. Iyon ay ang ganti sa mga nagmamagandang-loob sa pagsunod nila sa katotohanan at pagpapaakay nila rito nang walang pasubali o kundisyon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم