Ipinahintulot para sa inyo ang nahuhuli sa dagat at ang pagkain doon bilang pakinabang para sa inyo at para sa mga manlalakbay. Ipinagbawal sa inyo ang nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa iḥrām. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya ay titipunin kayo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ipinahintulot para sa inyo ang panghuhuli ng mga hayop na pantubig at ang anumang ibinubuga ng dagat para sa inyo buhay man o patay bilang kapakinabangan para sa sinumang kabilang sa inyo na isang nanunuluyan man o isang naglalakbay na magbabaon nito. Ipinagbawal Niya sa inyo ang nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya - tanging Siya - ay ang babalikan ninyo sa Araw ng Pagbangon at gagantihan Niya kayo sa mga gawa ninyo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم