ﯟ
ترجمة معاني سورة ق
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Qāf. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Sumumpa si Allāh sa Marangal na Qur’ān dahil sa taglay nito na mga kahulugan at dami ng kabutihan at biyaya: talagang bubuhayin kayo sa Araw ng Pagbangon.
Hindi nangyaring ang dahilan ng pagtanggi nila ay ang inaasahan nila na magsinungaling ka sapagkat sila ay nakakikilala sa katapatan mo. Bagkus nagtaka sila na may dumating sa kanilang isang sugong tagapagbabala kabilang sa uri nila at hindi uri ng mga anghel. Nagsabi sila dala ng pagtataka nila: "Ang pagdating ng sugo kabilang sa Sangkatauhan para sa amin ay isang bagay na kataka-taka.
Bubuhayin ba kami kapag namatay kami at kami ay naging alabok? Ang pagbubuhay na iyon at ang panunumbalik ng buhay sa mga katawan namin matapos na nabulok ay isang bagay na imposible, na hindi maaaring mangyari.
Alam nga Namin ang kinakain ng lupa mula sa mga katawan nila matapos ng kamatayan nila at pagpapalaho nito niyon. Walang naikubli sa Amin mula roon na anuman. May taglay Kaming aklat na nag-iingat sa itinatakda sa kanila sa buhay nila at matapos ng kamatayan nila.
Bagkus nagpasinungaling ang mga tagatambal na ito sa Qur'ān noong dinala ito sa kanila ng Sugo, kaya naman sila ay nasa kalagayang nalilito: hindi sila nakatitiyak sa anuman kaugnay na lagay nito.
Kaya hindi ba pinagnilay-nilayan ng mga tagapasinungaling na ito sa pagbubuhay ang langit sa ibabaw nila kung papaanong lumikha Kami nito, nagpatayo Kami nito, at gumayak Kami nito sa pamamagitan ng inilagay Namin dito na mga bituin, at walang taglay ito na anumang mga biyak na maipipintas dito? Ang lumikha sa langit na ito ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagbubuhay sa mga patay para maging mga buhay.
Ang lupa, naglatag Kami nito na naaangkop para manirahan sa ibabaw nito, naglapat Kami rito ng mga bundok na matatag para hindi yumanig, at nagpatubo Kami rito ng bawat uri ng mga halaman at mga punong-kahoy na magandang pagmasdan.
Lumikha Kami niyon sa kabuuan ninyo upang maging pagpapakita at pagpapaalaala para sa bawat lingkod na nanunumbalik sa Panginoon nito sa pagtalima.
Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig na maraming pakinabang at kabutihan, at nagpatubo Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga taniman at nagpatubo Kami ng inaani ninyo na mga butil ng trigo at iba pa,
at nagpatubo Kami sa pamamagitan nito ng mga puno ng datiles, na mga mataas, na may bunga na nakapatong ang isang bahagi nito sa ibabaw ng iba pa,
Nagpatubo Kami ng pinatubo Namin kabilang doon bilang panustos para sa mga lingkod, na kumakain mula roon. Bumuhay Kami ng isang lupaing walang halaman kung paanong bumuhay Kami sa pamamagitan ng ulan na ito ng isang lupaing walang halaman. Bubuhay Kami sa mga patay at lalabas silang mga buhay.
Nagpasinungaling bago ng mga tagapasinungaling na ito sa iyo, o Sugo, ang mga kababayan sa mga propeta nila sapagkat nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe at ang mga kasamahan ng balon. Nagpasinungaling ang [mga kalipi ng] Thamud.
Nagpasinungaling ang [mga kalipi ng] `Ād, si Paraon, at ang mga kababayan ni Lot.
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Shu`ayb na mga naninirahan sa kasukalan, at ang mga kalipi ni Tubba` na hari ng Yemen kaya napagtibay sa kanila ang ipinangako sa kanila ni Allāh na pagdurusa.
Kaya nawalang-kakayahan ba Kami sa paglikha sa inyo sa unang pagkakataon para mawalang-kakayahan Kami sa pagbuhay sa inyo? Bagkus sila ay nasa pagkataranta sa paglikhang bago matapos ng unang pagkalikha sa kanila.
Talaga ngang lumikha Kami sa tao at nakaaalam Kami sa sinasalita sa kanya ng sarili niya ng mga kuru-kuro at mga ideya. Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa ugat na natatagpuan sa leeg, na umaabot sa puso.
[Banggitin] kapag tumatanggap ang dalawang anghel na tagatanggap sa gawa ng tao: ang isa sa dalawa ay nakaupo sa gawing kanan niya at ang ikalawa ay nakaupo sa gawing kaliwa niya.
Wala siyang sinasabi na anumang pagkakasabi malibang sa tabi niya ay may isang anghel na mapagmasid sa anumang sinasabi niya, na nakadalo.
Darating ang hapdi ng kamatayan dala ang katotohanang walang matatakasan; iyon, O taong nalilingat, ang dati mong iniiwan at tinatakasan.
At iihip ang anghel na nakatalaga sa pag-ihip sa sungay sa ikalawang pag-ihip sa Araw ng Pagbangon, ang Araw ng Pagbabanta ng pagdurusa para sa mga tagatangging sumampalataya at mga suwail.
Darating ang bawat kaluluwa na may kasama itong isang anghel na aakay rito at isang anghel na sasaksi rito sa mga gawa nito.
Sasabihin sa inaakay na taong ito: "Talaga ngang ikaw noon sa Mundo ay nasa pagkalingat sa Araw na ito dahilan sa pagkalinlang sa iyo ng pagnanasa mo at minamasarap mo, kaya humawi Kami sa iyo ng pagkalingat mo sa pamamagitan ng magpapasakit sa iyo na pagdurusa at pighati kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas, na matatalos mo sa pamamagitan nito ang bagay na ikaw dati ay nasa pagkalingat."
Magsasabi ang kaugnay niyang nakatalaga sa kanya kabilang sa mga anghel: "Ito, ang taglay ko kabilang sa gawa niya, ay nakahanda nang walang bawas ni dagdag."
Magsasabi si Allāh sa dalawang anghel, ang tagaakay at ang tagasaksi: "Magtapon kayong dalawa sa Impiyerno ng bawat mapagtanggi sa katotohanan, na tagapagmatigas dito,
madalas ang pagkakait ng isinatungkulin ni Allāh sa kanya na obligasyon, lumalampas sa mga hangganan ni Allāh, tagaduda sa ipinababatid sa kanya na pangako o banta,
na gumawa kasama kay Allāh ng ibang sinasambang itinatambal kasama sa Kanya sa pagsamba. Kaya itapon ninyong dalawa siya sa pagdurusang matindi."
Magsasabi ang kaugnay niyang kabilang sa mga demonyo habang nagpapawalang-kaugnayan sa kanya: "Panginoon namin, hindi ko siya pinaligaw, subalit siya noon ay nasa pagkaligaw na malayo sa katotohanan."
Magsasabi si Allāh: "Huwag kayong magkaalitan sa piling Ko sapagkat walang silbi roon, at nagpauna na Ako para sa inyo sa Mundo ng dinala ng mga sugo Ko na bantang matindi para sa sinumang tumangging sumampalataya sa Akin at sumuway sa Akin.
Hindi nababago ang sabi sa piling Ko at hindi nasisira ang pangako ko. Hindi Ako lumalabag sa katarungan sa mga alipin sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni sa pamamagitan ng pagdagdag sa mga masagwang gawa nila, bagkus gaganti Ako sa kanila sa ginawa nila."
Sa Araw na magsasabi Kami sa Impiyerno: "Napuno ka ba ng itinapon sa iyo na mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway?" ay sasagot ito sa Panginoon nito: "May dagdag pa ba?" bilang paghiling ng dagdag dala ng pagkagalit alang-alang sa Panginoon nito.
Ilalapit ang Paraiso sa mga tagapangilag magkasala sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya kaya masasaksihan nila ang naroon na ginhawa nang hindi malayo mula sa kanila.
Sasabihin sa kanila: "Ito ay ang ipinangangako sa inyo ni Allāh: para sa bawat palapanumbalik sa Panginoon niya sa pagbabalik-loob, tagaingat ng anumang inobliga sa kanya ng Panginoon niya,
na sinumang nangamba kay Allāh nang lihim kung saan walang nakakikita sa kanya kundi si Allāh at nakipagkita kay Allāh na may pusong malinis na dumudulog kay Allāh, na madalas ang panunumbalik sa Kanya.
Sasabihin sa Kanila: "Pumasok kayo sa Paraiso ayon sa pagpapasok na nasasamahan ng kaligtasan mula sa kinasusuklaman ninyo. Iyon ay ang Araw ng Pananatili na walang paglaho matapos niyon."
Ukol sa kanila ang niloloob nila sa loob nito na ginhawang hindi nauubos. Mayroon pa Kaming dagdag na ginhawa kabilang sa anumang walang matang nakakita, walang taingang nakarinig, at hindi sumagi sa puso ng tao, at kabilang dito ang pagkakita kay Allāh.
Kay rami ng mga kalipunang pinasawi Namin bago ng mga tagatambal na tagapasinungaling na ito kabilang sa mga mamamayan ng Makkah, at nagsiyasat sila sa bayan nang sa gayon sila ay makatagpo ng matatakasan mula sa pagdurusa ngunit hindi sila nakatagpo niyon.
Tunay na sa nabanggit na iyon na pagpapasawi sa mga kalipunang nauna ay talagang may isang pagpapaalaala at isang pangaral para sa sinumang may pusong naipang-uunawa o nagtuon ng pakikinig niya na nakadalo ang puso, hindi nalilingat.
Talaga ngang lumikha Kami ng mga langit, at lumikha Kami ng lupa at anumang nasa pagitan ng mga langit at lupa sa anim na araw sa kabila ng kakayahan Namin sa paglikha sa mga ito sa isang iglap. Walang tumama sa Amin na anumang kapaguran, gaya ng sinasabi ng mga Hudyo.
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa sinasabi ng mga Hudyo at iba pa sa kanila. Magdasal ka sa Panginoon mo habang nagpupuri sa Kanya sa dasal sa madaling-araw bago ng pagsikat ng araw at magdasal ka sa hapon bago ng paglubog nito,
at sa bahagi ng gabi ay magdasal ka sa Kanya magluwalhati ka sa Kanya matapos ng mga dasal.
Makinig ka, O Sugo, sa Araw na mananawagan ang anghel nakatalaga sa pag-ihip sa tambuli sa ikalawang pag-ihip mula sa isang lugar na malapit,
sa Araw na maririnig ng mga nilikha ang Sigaw ng pagbubuhay ayon sa katotohanang walang pag-aatubili rito. Ang Araw na iyon na maririnig nila ito ay ang Araw ng Paglabas ng mga patay mula sa mga libingan nila para sa pagtutuos at pagganti.
Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan: walang tagabigay-buhay na iba pa sa Amin at walang tagabigay-kamatayan. Tungo sa Amin - tanging sa Amin - ang panunumbalikan ng mga lingkod sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti,
sa araw na magkakabiyak-biyak buhat sa kanila ang lupa at lalabas sila habang mga nagmamadali. Iyon ay isang pagtitipon na sa Amin ay magaan.
Kami ay higit na nakaaalam sa anumang sinasabi ng mga tagapasinungaling na ito. Ikaw, O Sugo, ay hindi tagapangibabaw sa kanila para pumilit ka sa kanila sa pananampalataya. Ikaw ay tagapagpaabot ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot. Kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko para sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway dahil ang nangangamba ay ang napangangaralan at napaaalalahanan kapag pinaalalahanan.