ﰀ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
ﯖﯗ
ﰀ
Kasawian at pagkalugi sa mga tagaumit,
Sila ang kapag nagpatakal sa iba sa kanila ay nagpapalubos ng karapatan nila nang kumpleto na walang bawas,
at kapag tumakal sila sa mga tao o tumimbang sila sa mga ito ay bumabawas sila sa takal at pagtimbang. Iyon noon ay ang kalagayan ng mga mamamayan ng Madīnah sa paglikas ng Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa kanila.
Hindi ba nagpapakatiyak itong mga gumagawa ng nakasasamang ito na sila ay mga bubuhayin tungo kay Allāh
ﭑﭒ
ﰄ
para sa pagtutuos at pagganti sa isang araw na sukdulan dahil sa taglay nitong mga sigalot at mga hilakbot,
sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila para sa pagtutuos?
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ninyo na walang pagbubuhay matapos ng kamatayan! Tunay na ang talaan ng mga may kasamaang-loob kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw ay talagang nasa pagkalugi sa lupang pinakamababa.
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Sijjīn?
ﭦﭧ
ﰈ
Tunay na ang talaan nila ay sinulatan, na hindi maglalaho ni madadagdagan ni mababawasan.
Kasawian at pagkalugi sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling,
na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Pagganti na gaganti roon si Allāh sa mga tao sa mga gawain nila sa Mundo.
At walang nagpapasinungaling sa Araw ng iyon kundi bawat lumalampas sa mga hangganan ni Allāh, marami sa mga kasalanan.
Kapag binabasa sa kanya ang mga tanda Naming pinababa sa Sugo Namin ay nagsasabi siya: "Mga kuwento ng mga kalipunang sinauna at hindi mula sa ganang kay Allāh!"
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuni-guni ng mga tagapasinungaling na ito! Bagkus, dumaig sa mga isip nila at bumalot sa mga ito ang dati nilang nakakamit na mga pagsuway, kaya hindi sila nakakita sa katotohanan sa pamamagitan ng mga puso nila.
Sa totoo, tunay na sila, sa pagkakita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon, ay talagang mga pipigilan.
Pagkatapos, tunay na sila ay talagang papasok sa Apoy, na magpapakasakit sa init niyon.
Pagkatapos ay sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagbangon bilang panunumbat sa kanila: "Itong pagdurusang nakatagpo ninyo ay ang dati ninyong pinabubulaanan sa Mundo nang nagpabatid sa inyo hinggil dito ang Sugo ninyo."
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ninyo na walang pagtutuos at walang pagganti! Tunay na ang talaan ng mga may pagtalima ay talagang nasa `Illīyūn.
At ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang `Illīyūn?
ﮭﮮ
ﰓ
Tunay na ang talaan nila ay sinulatan, na hindi maglalaho ni madadagdagan ni mababawasan.
ﮰﮱ
ﰔ
Dadalo sa talaang ito ang mga inilapit sa bawat langit na mga anghel.
Tunay na ang mga marami sa mga pagtalima ay talagang nasa Kaginhawahang mamamalagi sa Araw ng Pagbangon,
habang nasa mga higaang ginayakan na nakatingin sa Panginoon nila at sa anumang nagpapatuwa sa mga sarili nila at nagpapagalak sa kanila.
Kapag nakakita ka sa kanila ay makakikita ka sa mga mukha nila ng bakas ng pagtatamasa ng kagandahan at karikitan.
Magpapainom sa kanila ang mga alila nila mula sa alak na ipininid sa sisidlan nito.
Kakalat ang halimuyak ng musk mula rito hanggang sa wakas nito. Alang-alang sa masaganang pagganting ito ay kinakailangan na mag-unahan ang mga nag-uunahan, sa paggawa ng nagpapalugod kay Allāh at sa pag-iwan ng nagpapainis sa Kanya.
Hahaluan ang inuming ipininid na ito ng mula sa Tasnīm.
Iyon ay isang bukal sa pinakamataas na bahagi ng Paraiso na iinom mula roon ang mga inilapit ng purong dalisay at iinom ang nalalabi sa mga mananampalataya mula roon ng hinaluan ng iba pa.
Tunay na ang mga nagkasala dahil sa taglay nila noon na kawalang-pananampalataya ay tumatawa noon sa mga sumampalataya.
At kapag naparaan sila sa mga mananampalataya ay kumikindat ang isa't isa sa kanila bilang panunuya at bilang pagbibiro.
At kapag nanumbalik sila sa mga kapwa nila ay nanunumbalik sila na mga natutuwa sa taglay nilang kawalang-pananampalataya at pangungutya.
At kapag nakasaksi sila sa mga Muslim ay nagsasabi sila: "Tunay na ang mga ito ay talagang mga naliligaw palayo sa daan ng katotohanan yayamang nag-iwan sila sa relihiyon ng mga ninuno nila."
At hindi nagtalaga si Allāh sa kanila para sa pag-iingat sa mga gawain ng mga ito upang magsabi ang mga ito nitong sinabi ng mga ito.
Kaya sa Araw ng Pagbangon ang mga sumampalataya kay Allāh ay tatawa sa mga tagatangging sumampalataya kung paano dati ang mga tagatangging sumampalataya ay tumatawa sa kanila sa Mundo.
habang nasa mga higaang ginayakan na nakatingin sa inihanda ni Allāh para sa kanila na Kaginhawahang mamamalagi.
Talaga ngang gagantihan ang mga tagatangging sumampalataya dahil sa mga gawa nila na ginawa nila sa Mundo ng pagdurusang manghahamak.