سورة الجمعة

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Salin ng Sura Ang Biyernes sa الفلبينية mula sa الترجمة الفلبينية (تجالوج)

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Ang paghahalintulad sa mga pinagpasan ng Torah, pagkatapos ay hindi pumasan nito, ay gaya ng paghahalintulad sa asno habang pumapasan ng mga makapal na aklat. Kay saklap ang paghahalintulad sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh! Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
At hindi sila magmimithi niyon magpakailanman dahil sa ipinauna ng mga kamay nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan.
Ngunit nang nakakita sila ng isang pangangalakal o isang paglilibangan ay nagsikalat sila patungo roon at nang-iwan sila sa iyo na nakatayo. Sabihin mo: "Ang nasa kay Allāh ay higit na mabuti kaysa sa paglilibangan at kaysa sa pangangalakal. Si Allāh ay ang pinakamabuti sa mga tagatustos."
تقدم القراءة