Nanumpa sila kay Allāh nang taimtim sa mga panunumpa nila na talagang kung nag-utos ka sa kanila ay talagang lalabas nga sila. Sabihin mo: "Huwag kayong sumumpa. May isang [huwad na] pagtalimang nakikilala." Tunay na si Allāh ay Tagabatid sa anumang ginagawa ninyo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nanumpa ang mga mapagpaimbabaw kay Allāh nang pinakasukdulan sa mga panunumpa nilang mariin na nakakakaya nila ang panunumpa niyon: talagang kung nag-utos ka sa kanila ng paglabas tungo sa pakikibaka ay talagang lalabas nga sila. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Huwag kayong manumpa sapagkat ang kasinungalingan ninyo ay kilala at ang pagtalima ninyong ipinagpapalagay ay kilala." Tunay na si Allāh ay Tagabatid sa anumang ginagawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo gaano man kayo magkubli ng mga ito.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم