Sa Araw na itataob ang mga mukha nila sa apoy ay magsasabi sila: "O kung sana kami ay tumalima kay Allāh at tumalima sa Sugo."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sa Araw ng Pagbangon, itataob ang mga mukha nila sa Apoy ng Impiyerno habang nagsasabi dahil sa tindi ng panghihinayang at pagsisisi: "O kung sana kami, sa buhay naming pangmundo, ay nangyaring tumalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya sa amin at umiwas sa sinaway Niya sa amin at tumalima sa Sugo sa dinala nito mula sa Panginoon nito."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم