Mayroon sa mga tao, mga umuusad na hayop, at mga hayupan, na magkakaiba ang mga kulay ng mga ito gayon din. Natatakot kay Allāh kabilang sa mga lingkod Niya ay ang mga nakaaalam lamang. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Mapagpatawad.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Mayroon sa mga tao, mayroon sa mga umuusad na hayop, at mayroon sa mga hayupan (mga kamelyo, mga baka, at mga tupa), na magkakaiba ang mga kulay ng mga ito, na tulad ng nabanggit na iyon. Dumadakila sa katayuan ni Allāh - pagkataas-taas Siya - at natatakot sa Kanya ang mga nakaaalam lamang sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - dahil sila ay nakakilala sa mga katangian Niya, Batas Niya, at mga katunayan sa kakayahan Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan: walang nakagagapi sa Kanya na isa man, Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم