Ang sinumang paliligawin ni Allāh ay walang ukol rito na anumang mapagtangkilik matapos Niya. Makikita mo na ang mga tagalabag sa katarungan, kapag nakita nila ang pagdurusa, ay magsasabi: "Tungo ba sa isang mababalikan [sa Mundo] ay may anumang landas?"
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang sinumang itinatwa ni Allāh palayo sa kapatnubayan at pinaligaw palayo sa katotohanan ay walang ukol dito na isang mapagtangkilik, matapos ni Allāh, na tatangkilik sa pumapatungkol sa kanya. Makikita mo na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, kapag napagmasdan nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon, ay magsasabi habang mga nagmimithi: "Ang pagbabalik ba sa Mundo ay may daan para magbalik-loob kami kay Allāh?"
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم