[Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: "O Hesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang diyos bukod pa kay Allāh?" ay magsasabi ito: "Napakamaluwalhati Mo; hindi magiging ukol sa akin na magsabi ako ng anumang wala akong karapatan. Kung nangyaring nagsabi ako niyon ay talaga sanang nalaman Mo iyon. Nalalaman Mo ang nasa sarili ko ngunit hindi ko nalalaman ang nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw ay ang palaalam sa mga Lingid.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin mo kapag magsasabi si Allāh sa Araw ng Pagbangon habang kinakausap si Hesus na anak ni Maria - sumakanya ang pangangalaga: "O Hesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang sinasamba bukod pa kay Allāh?" Kaya magsasabi si Hesus habang nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon niya: "Hindi nararapat sa akin na magsabi sa kanila malibang ang katotohanan. Kung itinakdang ako ay nagsabi niyon, nalaman Mo na sana iyon dahil walang naikukubli sa Iyo na anuman. Nalalaman Mo ang inililingid ko sa sarili ko at hindi ko nalalaman ang nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw - tanging Ikaw - ay ang nakaaalam sa bawat nakaliban, bawat nakakubli, at bawat nakalitaw.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم