O mga kalipi ko, pumasok kayo sa lupaing pinabanal na itinakda ni Allāh para sa inyo at huwag kayong manumbalik sa mga likod ninyo dahil uuwi kayo na mga talunan."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi si Moises: "O mga kalipi, pumasok kayo sa lupaing dinalisay (ang Bahay ng Pinagbanalan at ang Paligid nito) na nangako sa inyo si Allāh ng pagpasok doon at ng pakikipaglaban sa sinumang nasa loob niyon kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Huwag kayong matalo sa harapan ng mga higante sapagkat ang kauuwian ninyo ay ang pagkalugi sa Mundo at Kabilang-buhay."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم