Nagsabi Siya: "Kaya tunay na iyon ay ipagbabawal sa kanila – nang apatnapung taon – na nagpapagala-gala sa lupa. Kaya huwag kang magdalamhati sa mga taong suwail."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi si Allāh sa propeta Niyang si Moises - sumakanya ang pangangalaga: "Tunay na si Allāh ay nagbawal sa mga anak ni Israel ng pagpasok sa Lupang Binanal sa yugtong apatnapung taon, habang naliligaw sila sa yugtong ito sa disyerto, na mga nalilitong hindi napapatnubayan. Kaya huwag kang malumbay, o Moises, sa mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh sapagkat tunay na ang tatama sa kanila na parusa ay dahilan sa mga pagsuway nila at mga pagkakasala nila."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم