O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh, hangarin ninyo tungo sa Kanya ang kalapitan, at makibaka kayo alang-alang sa landas Niya nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, hilingin ninyo ang mapalapit sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya sa inyo at ng paglayo sa sinaway Niya sa inyo, at makibaka kayo sa mga tagatangging sumampalataya bilang paghahangad sa kaluguran Niya nang sa gayon kayo ay magtatamo ng hinihiling ninyo at makakaiwas sa kinasisindakan ninyo kapag nagsagawa kayo niyon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم