Ang katangkilik ninyo lamang ay si Allāh, ang Sugo Niya, at ang mga sumampalataya na nagpapanatili sa pagdarasal at nagbibigay ng zakāh habang sila ay mga nakayukod.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi ang mga Hudyo ni ang mga Kristiyano ni ang iba pa sa kanila kabilang sa mga tumatangging sumampalataya ang mga katangkilik ninyo, bagkus tunay na ang katangkilik ninyo at ang tagaadya ninyo ay si Allāh, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalatayang nagsasagawa ng pagdarasal nang lubusan at nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila habang sila ay mga nagpapakumbaba kay Allāh bilang mga nagpapakaaba.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم