Kapag nanawagan kayo tungo sa pagdarasal, ginagawa nila ito bilang isang biro at isang laro. Iyon ay dahil sa sila ay mga taong hindi nakauunawa.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Gayon din, nagbibiro sila at naglalaro kapag nanawagan kayo para sa pagdarasal na pinakadakila sa pagpapalapit-loob kay Allāh. Iyon ay dahilan sa sila ay mga taong hindi nakauunawa hinggil kay Allāh sa mga kahulugan ng pagsamba sa Kanya at mga batas Niya na isinabatas Niya para sa mga tao.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم