O Sugo, ipaabot mo ang ibinaba sa iyo mula sa Panginoon mo, at kung hindi mo gag̶̶awin ay hindi mo maipaaabot ang pasugo Niya. Si Allāh ay mangangalaga sa iyo sa mga tao. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tumatangging sumampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O Sugo, magpabatid ka ng ibinaba sa iyo mula sa Panginoon mo nang lubusan at huwag kang maglihim mula rito ng anuman sapagkat kung naglihim ka mula rito ng anuman, ikaw ay hindi nagpapaabot ng pasugo ng Panginoon mo. (Naipaabot nga ng Sugo ni Allāh - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ang lahat ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot kaya ang sinumang nag-akala ng salungat doon ay gumawa ng mabigat na kabulaanan laban kay Allāh.) Si Allāh ay magsasanggalang sa iyo sa mga tao matapos ng araw na ito kaya hindi nila makakayang makapagpaabot sa iyo ng kasamaan at walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa pagkagabay sa mga taong tumatangging sumampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم