O mga sumampalataya, huwag kayong magbawal ng mga kaaya-ayang ipinahintulot ni Allāh para sa inyo at huwag kayong lumabag. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalabag.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga sumampalataya, huwag kayong magbawal ng mga minamasarap na pinapayagan ni Allāh gaya ng mga pagkain, mga inumin, at mga pag-aasawa. Huwag ninyong ipagbawal ang mga ito dala ng pagkakasya sa kaunti o pagkamananamba. Huwag kayong lumampas sa mga hangganan ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya, bagkus napupuot Siya sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم