ترجمة سورة الأعلى

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الأعلى باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Pinakamataas,
na lumikha saka humubog,
na nagtakda saka nagpatnubay,
na nagpalabas ng pastulan,
saka gumawa Siya rito na yagit na nangingitim.
Magpapabigkas Kami sa iyo [ng Qur’ān] kaya hindi ka makalilimot,
maliban sa niloob ni Allāh; tunay na Siya ay nakaaalam sa lantad at anumang nagkukubli.
At magpapadali Kami sa iyo para sa pinakamadali.
Kaya magpaalaala ka kung mapakikinabangan ang paalaala.
Magsasaalaala ang sinumang natatakot [kay Allāh]
at umiiwas dito ang pinakamalumbay,
na papasok sa Apoy na pinakamalaki.
Pagkatapos ay hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay.
Nagtagumpay nga ang sinumang nagpakalinis [sa kasalanan],
at bumanggit sa pangalan ng Panginoon niya saka nagdasal.
Bagkus nagtangi kayo sa pangmundong buhay
samantalang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na nananatili.
Tunay na ito ay talagang nasa mga unang kalatas,
sa mga kalatas nina Abraham at Moises.
Icon