Tunay na si Qārūn ay dating kabilang sa mga kalipi ni Moises ngunit nagpakapalalo siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga kayamanan na tunay na ang mga susi niya ay talagang makabibigat sa isang pangkat ng mga may lakas, noong nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Huwag kang magpakatuwa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga nagpapakatuwa.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tunay na si Qārūn ay dating kabilang sa mga kalipi ni Moises - sumakanya ang pangangalaga - ngunit nagmalaki siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga nakalagak na mga yaman, na tunay na ang mga susi ng mga imbakan niya ay talagang bibigat ang pagpasan sa mga ito para sa pangkat na malakas, noong nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Huwag kang magpakatuwa ng pagpapakatuwa ng kawalang-pakundangan; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga nagpapakatuwa ng pagpapakatuwa ng kawalang-pakundangan. Bagkus nasusuklam Siya sa kanila at magpaparusa Siya sa kanila dahil doon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم