Nagpaurong si Allāh sa mga tumangging sumampalataya sa ngitngit nila nang hindi nagtamo ng isang kabutihan. Nakasapat si Allāh sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban. Laging si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagpaurong si Allāh sa liping Quraysh, liping Ghaṭafān, at mga kasama sa kanila sa dalamhati nila at hapis nila dahil sa pagkahulagpos sa kanila ng inasahan nila. Hindi sila nagkamit ng ninais nila na paglipol sa mga mananampalataya. Nakasapat si Allāh sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban kasama sa kanila dahil sa ipinadala Niya na hangin at pinababa Niya na mga anghel. Laging si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan: walang nakadadaig sa Kanya na isa man malibang nadadaig Niya at iniiwan Niya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم