Nagpamana Siya sa inyo ng lupain nila, mga tahanan nila, mga ari-arian nila, at isang lupaing hindi ninyo naapakan. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Pinagmay-ari Niya kayo matapos ng pagkasawi nila ng lupain nila kasama ng nilalaman nito na mga pananim at mga punong datiles, pinagmay-ari Niya kayo ng mga tirahan nila at mga iba pang ari-arian nila, at pinagmay-ari Niya kayo ng lupain sa Khaybar na hindi pa ninyo naapakan, subalit kayo ay aapak doon. Ito ay isang pangako at isang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم