O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaing anak mo, at mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglagay sila sa ibabaw nila ng bahagi ng mga balabal nila. Iyon ay higit na angkop na makilala sila para hindi sila pinsalain. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, sabihin mo sa mga babaing anak mo, at sabihin mo sa mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglagay sila sa ibabaw nila ng bahagi ng mga balabal nila na isinusuot nila upang hindi malantad mula sa kanila ang `awrah (kahubaran) sa harap ng mga hindi kaanu-anong lalaki. Iyon ay higit na malapit na makilalang sila ay mga malayang babae para walang mang-abala sa kanila na isa man sa pamamagitan ng pananakit gaya ng pang-aabala sa mga babaing alipin. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم