Nagtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Huling Sandali. Sabihin mo: "Tanging ang kaalaman doon ay nasa ganang kay Allāh." Ano ang magpapabatid sa iyo na harinawa ang Huling Sandali ay nagiging malapit na?
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagtatanong sa iyo ang mga tagatambal, O Sugo, ng isang tanong ng pagmamasama at pagpapasinungaling at nagtatanong sa iyo ang mga Hudyo rin tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang oras niyon. Sabihin mo sa mga ito: "Ang kaalaman sa Huling Sandali ay taglay ni Allāh; hindi ko taglay ang anuman mula roon." Ano ang magpapadama sa iyo, O Sugo, na ang Huling Sandali ay nagiging malapit na?
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم