Kaya sa araw na ito, hindi makapagdudulot ang iba sa kanila para sa iba pa ng pakinabang ni pinsala, at magsasabi Kami sa mga lumabag sa katarungan: "Lumasap kayo ng pagdurusa sa Apoy na kayo noon dito ay nagpapasinungaling."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sa araw ng pagtitipon at pagtutuos, hindi makapagdudulot ang mga sinasamba ng pakinabang sa mga sumamba sa kanila sa Mundo bukod pa kay Allāh at hindi sila makapagdudulot ng pinsala. Magsasabi Kami sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway: "Lumasap kayo ng pagdurusa sa Apoy na kayo noon sa Mundo ay nagpapasinungaling dito."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم