Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: "Tunay na si Allāh ay ikatlo ng tatlo." Walang anumang Diyos maliban sa nag-iisang Diyos. Kung hindi sila titigil sa sinasabi nila ay talagang dadapuan nga ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga Kristiyanong nagsasabi: "Tunay na si Allāh ay binubuo ng tatlo: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo." Pagkataas-taas ni Allāh kaysa sa sabi nila ayon sa kataasang malaki. Si Allāh ay hindi marami. Siya lamang ay nag-iisang Diyos - walang katambal sa Kanya. Kung hindi sila titigil sa karumal-dumal na pinagsasabing ito ay talagang aabutin sila ng isang pagdurusang nakasasakit.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم