Sila noon ay hindi nagsasawayan laban sa isang nakasasamang ginawa nila. Talagang kaaba-aba ang ginagawa nila noon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi nila sinasaway noon ang isa't isa sa paggawa ng pagsuway, bagkus naghahayag ang mga sumusuway kabilang sa kanila ng ginagawa nilang mga pagsuway at mga nakasasamang gawa dahil walang nagmamasamang tumututol sa kanila. Talagang kay sagwa ng ginagawa nila noon na pagpapabaya sa pagsaway sa nakasasama.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم