Iyon ay iginanti Namin sa kanila dahil tumanggi silang sumampalataya. Hindi Kami gumaganti maliban sa mga palatangging magpasalamat.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang pagpapalit na iyon - ang nangyari sa dati nilang taglay na mga biyaya - ay dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at pag-ayaw nila sa pagpapasalamat sa mga biyaya. Hindi nagpaparusa ng matinding parusang ito maliban sa palakaila sa mga biyaya ni Allāh, palatangging magpasalamat sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم