Sabihin mo: "Magpakita kayo sa akin ng ikinapit ninyo sa Kanya bilang mga katambal. Aba’y hindi! Bagkus Siya ay si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo sa kanila O Sugo: "Magpakita kayo sa akin ng ginawa ninyo para kay Allāh bilang mga katambal na ipinantatambal ninyo sa Kanya sa pagsamba. Aba’y hindi! Ang usapin ay hindi gaya ng ginuguni-guni ninyo na mayroon Siyang mga katambal. Bagkus Siya ay si Allāh, ang Makapangyarihang hindi nagagapi ng isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم