Kapag sinabi sa kanila: "Halikayo sa ibinaba ni Allāh at sa Sugo" ay nagsasabi sila: "Sapat sa amin ang natagpuan namin sa mga magulang namin." Kahit ba ang mga magulang nila noon ay hindi nakauunawa ng anuman at hindi napapatnubayan?
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kapag sinabi sa mga gumawa-gawang ito kay Allāh ng kasinungalingan ng pagbabawal sa ilan sa mga hayupan: "Halikayo sa ibinaba ni Allāh na Qur'ān at sa Sunnah ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - upang makilala ninyo ang ipinahihintulot sa ipinagbabawal" ay nagsasabi sila: "Nakasasapat sa amin ang nakuha namin at minana namin buhat sa mga ninuno namin na mga paniniwala, mga sinasabi, at mga ginagawa." Papaanong nakasasapat sa kanila iyon samantalang ang mga ninuno nila noon nga ay hindi nakaaalam ng anuman at hindi napapatnubayan sa katotohanan? Kaya naman walang sumusunod sa kanila kundi ang sinumang higit na mangmang kaysa sa kanila at higit na ligaw sa landas sapagkat sila ay mga mangmang na naliligaw.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم