Kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa loob ng mga ito. Siya sa bawat bagay ay may-kakayahan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kay Allāh - tanging sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at lupa sapagkat Siya ay ang Tagapaglikha ng mga ito at ang Tagapangasiwa sa nauukol sa mga ito, at Kanya ang paghahari sa anumang nasa loob ng mga ito na lahat ng mga nilikha. Siya sa bawat bagay ay may-kakayahan kaya hindi Siya napanghihina ng anuman.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم