Walang tungkulin ang Sugo kundi ang pagpapaabot. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inilalahad ninyo at sa anumang ikinukubli ninyo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Walang tungkulin ang Sugo kundi ang pagpapaabot sa anumang ipinag-utos sa kanya ni Allāh sa pamamagitan ng pagpapaabot nito kaya naman wala sa kanya ang pagtutuon sa mga tao tungo sa patnubay sapagkat iyon ay nasa kamay ni Allāh - tanging sa Kanya. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo at anumang itinatago ninyong patnubay o pagkaligaw, at gaganti sa inyo roon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم