ترجمة معاني سورة السجدة
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Alif. Lām. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.
Ang pagbababa ng Qur'ān na dinala ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay ibinaba sa kanya mula sa Panginoon ng mga nilalang, walang duda hinggil doon.
Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay nagsasabi: "Tunay na si Muḥammad ay lumikha-likha nito laban sa Panginoon niya." Ang usapin ay hindi gaya ng sinabi nila. Bagkus ito ay ang katotohanang walang pag-aalinlangan hinggil dito, na ibinaba sa iyo mula sa Panginoon mo, O Sugo, upang magpangamba ka sa mga taong walang dumating sa kanila na sugo noong wala ka pa, na nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh, nang sa gayon sila ay mapapatnubayan sa katotohanan para sumunod sila rito at gumawa sila ayon dito.
Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit, lumikha sa lupa, at lumikha sa anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw - gayong Siya ay nakakakaya sa paglikha sa mga ito sa higit na maiksi kaysa sa isang kurap ng mata - pagkatapos ay pumaitaas Siya umangat siya sa ibabaw ng Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan sa Kanya. Walang ukol sa inyo, O mga tao, bukod pa sa Kanya na anumang mapagtangkilik na tatangkilik sa kapakanan ninyo ni tagapamagitang mamamagitan para sa inyo sa piling ng Panginoon ninyo. Kaya hindi pa ba kayo magsasaalaala at sasamba kay Allāh na lumikha sa inyo at hindi kayo sasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya?
Nangangasiwa si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - sa kapakanan ng lahat ng mga nilikha sa mga langit at sa lupa, pagkatapos ay umaakyat sa Kanya ang usaping iyon sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon mula sa binibilang ninyo mismo, O mga tao, sa Mundo.
Yaong nangangasiwa roon sa kabuuan niyon ay ang Nakaaalam sa anumang nalingid at anumang natunghayan: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, ang Makapangyarihang walang nakadadaig na isa man, na naghihiganti sa mga kaaway Niya, ang Maawain sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.
na nagpahusay sa bawat bagay na nilikha Niya. Nagsimula Siya sa paglikha kay Adan mula sa putik ayon sa walang pagkakatulad na nauna.
Pagkatapos ay gumawa Siya sa mga supling nito matapos nito mula sa isang hinango mula sa isang likidong nakalusot at lumabas mula rito.
Pagkatapos ay lumubos Siya sa paglikha sa tao sa pagkakahubog at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya sa pamamagitan ng pag-uutos sa anghel na nakatalaga sa pag-ihip ng espiritu. Gumawa Siya para sa inyo, o mga tao, ng mga pandinig upang ipandinig ninyo, mga paningin upang ipantingin ninyo, at mga puso upang ipang-unawa ninyo. Anong kaunti ang ipinagpapasalamat ninyo kay Allāh sa mga biyayang ito na ibiniyaya Niya sa inyo!
Nagsabi ang mga tagapagtambal na nagpapasinungaling sa pagkabuhay na muli: "Kapag ba namatay kami, naglaho Kami sa lupa, at ang mga katawan namin ay naging alabok, bubuhaying muli ba kami para maging mga buhay muli?" Hindi maisip iyon! Bagkus sila, sa reyalidad ng lagay nila, ay mga tagatangging sumampalataya sa pagkabuhay na muli; hindi sumasampalataya roon.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na muli: "Kukunin kayo ng anghel ng kamatayan na binigyang-kapangyarihan ni Allāh sa pagbawi sa mga kaluluwa ninyo, pagkatapos sa Kanya - tanging sa Kanya - sa Araw ng Pagbangon panunumbalikin kayo para sa pagtutuos at pagganti."
Lilitaw ang mga salarin sa Araw ng Pagbangon samantalang sila ay mga hamak, na nakayuko ang mga ulo nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa pagkabuhay na muli. Makararamdam sila ng kahihiyan at magsasabi sila: "Panginoon namin, nakakita kami sa dati naming pinasisinungalingan na pagkabuhay na muli at nakarinig kami sa pagkatotoo ng dinala ng mga sugo mula sa ganang Iyo. Kaya magpanumbalik Ka sa amin sa buhay pangmundo, gagawa kami ng gawang maayos na magpapalugod sa Iyo sa amin. Tunay na kami ay mga nakatitiyak sa pagkabuhay na muli at sa katapatan ng dinala ng mga sugo." Kung sakaling nakita mo ang mga salarin sa kalagayang iyon, makakikita ka ng isang bagay na sukdulan.
Kung sakaling niloob Namin ang pagbibigay sa bawat kaluluwa ng gabay niya at pagtutuon sa kanya ay talaga sanang nagdala Kami sa kanya rito, subalit matutupad ang sabi mula sa Akin ayon sa karunungan at katarungan: "Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon ng mga kampon ng kawalang-pananampalataya kabilang sa dalawang pangunahing nilikha na jinn at mga tao dahil sa pagpili nila sa daan ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw higit sa daan ng pananampalataya at pagkatuwid.
Sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay bilang panunumbat sa kanila at paninisi: "Kaya lumasap kayo ng pagdurusa dahilan sa pagkalingat ninyo sa buhay na pangmundo sa pakikipagkita kay Allāh sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos sa inyo. Tunay na Kami ay mag-iiwan sa inyo sa pagdurusa nang hindi pumapansin sa pinagdurusahan ninyo mula rito. Lumasap kayo ng pagdurusa ng Apoy na mamamalagi, na hindi mapuputol, dahilan sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na mga pagsuway.
Sumasampalataya lamang sa mga talata ni Allāh na ibinaba sa Sugo Niya ang mga kapag pinangaralan ng mga ito ay nagpapatirapa kay Allāh habang mga nagluluwalhati kalakip ng papuri sa Kanya habang sila ay hindi nagmamalaki palayo sa pagsamba kay Allāh ni palayo sa pagpapatirapa sa Kanya sa anumang kalagayan.
Naglalayuan ang mga tagiliran nila sa mga higaan nila na hinihigaan nila sa pagtulog nila habang nag-iiwan sa mga ito at humaharap kay Allāh habang dumadalangin sa Kanya sa dasal nila at iba pa dala ng pangamba sa parusa Niya at dala ng paghahangad sa awa Niya. Nagkakaloob sila ng mga salaping ibinigay sa kanila ni Allāh alang-alang sa landas ni Allāh.
Kaya hindi nalalaman ng anumang kaluluwa ang inihanda para sa kanila na ikinasisiya ng mga mata nila bilang ganti mula sa Kanya para sa kanila dahil sa anumang dati nilang ginagawa sa Mundo na mga gawang maayos sapagkat iyon ay ganting walang nakasasaklaw roon kundi si Allāh dahil sa kadakilaan niyon.
Ang sinumang naging isang mananampalataya kay Allāh, na gumagawa ayon sa mga ipinag-uutos Niya at umiiwas sa mga sinasaway Niya ay hindi gaya ng sinumang naging isang lumalabas sa pagtalima sa Kanya? Hindi nagkakapantay ang dalawang pangkat sa ganang kay Allāh sa ganti?
Tungkol naman sa mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ang ganti sa kanila na inihanda para sa kanila ay mga hardin na titigil sila sa loob ng mga ito bilang parangal mula kay Allāh para sa kanila, bilang ganti sa dati nilang ginagawa sa Mundo na mga gawang maayos.
Tungkol naman sa mga lumabas mula sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway, ang titigilan nila na inihanda para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay ang Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon ay ibinabalik sila roon at sasabihin sa kanila bilang panunumbat sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayong nagpapasinungaling hinggil dito sa Mundo nang ang mga sugo ninyo dati ay nagpapangamba sa inyo laban doon."
Talagang magpapalasap nga Kami sa mga tagapagpasinungaling na ito na mga lumalabas sa pagtalima sa Panginoon nila ng mga sigalot at pagsubok sa Mundo bago ng pinakamalaking pagdurusang inihanda para sa kanila sa Kabilang-buhay kung hindi sila nagbalik-loob, nang sa gayon sila ay bumalik sa pagtalima sa Panginoon nila.
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinangaralan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit hindi siya napangaralan at umayaw sa mga ito nang hindi pumapansin sa mga ito. Tunay na Kami, sa mga salarin - dahil sa paggawa ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway - na mga umaayaw sa mga tanda Namin, ay maghihiganti nang walang pasubali.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah kaya huwag ka, O Sugo, maging nasa isang pagdududa sa pakikipagkita mo kay Moises sa gabi ng panggabing paglalakbay (isrā') at pagpanik sa langit (mi`rāj). Gumawa Kami ng Kasulatang ibinaba kay Moises bilang tagapatnubay para sa mga anak ni Israel laban sa pagkaligaw.
Gumawa si Allāh mula sa mga anak ni Israel ng mga pinuno na tinutularan ng mga tao sa katotohanan, na gumagabay sa katotohanan noong nagtiis sila sa pagsunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at sa pananakit sa landas ng pag-aanyaya tungo sa Islām. Sila noon sa mga tanda ni Allāh na ibinaba sa sugo nila ay nagpapatotoo ayon sa pagpapatotoong tiyakan.
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang dati silang nagkakaiba-iba sa Mundo kaya lilinawin Niya ang tagapagpahayag ng katotohanan at ang tagapagpahayag ng kabulaanan at gaganti Siya sa bawat isa ng nagigindapat dito.
Nabulagan ba ang mga ito kaya hindi luminaw para sa mga ito kung ilan na ang pinasawi Namin, noong wala pa ang mga ito, kabilang sa mga kalipunang nauna? Heto sila, naglalakad sa mga tirahan nilang dati nilang tinitirahan bago ng pagpapasawi sa kanila ngunit hindi sila napangaralan ayon sa kalagayan nila. Tunay na sa nangyari sa mga kalipunang iyon na pagpapasawi dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila ay talagang may mga maisasaalang-alang, na maipampapatunay sa katapatan ng mga sugo nila na pumunta sa kanila mula sa ganang kay Allāh. Kaya hindi ba nakaririnig ang mga tagapagpasinungaling na ito sa mga tanda ni Allāh ayon sa pagdinig ng pagtanggap at pagsasaalang-alang sa pangaral?
Hindi ba nakikita ng yaong mga tagapagpasinungaling sa Muling Pagkabuhay na Kami ay umaakay sa tubig ulan patungo sa lupang tigang na walang damo rito, kaya pinalalabas Namin sa tubig na yaon ang pananim na kumakain mula rito ang kamelyo nila, baka nila, at tupa nila, at sila ay kumakain mula roon?! Hindi ba nila nakikita iyon, at naaarok na ang sinumang nagpatubo sa lupang tigang ay may Kakayanan sa pagbuhay sa mga patay?!
Nagsasabi ang mga tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli habang mga nagmamadali sa pagdurusa: "Kailan ang paghatol na ito na inaakala ninyong ito ay magpapasya sa pagitan natin sa Araw ng Pagkabuhay kaya ang kahahantungan namin ay ang Apoy at ang kahahantungan ninyo ay ang Paraiso?"
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang pangakong ito ay ang Araw ng Pagbangon. Tunay na ito ay araw ng pagpapasya sa pagitan ng mga tao kapag hindi magpapakinabang sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh sa Mundo ang pagpapasinungaling nila matapos ng pagkakita sa Araw ng Pagbangon at hindi sila ipagpapaliban hanggang sa magbalik-loob sila sa Panginoon nila at magsisi sa Kanya."
Kaya umayaw ka, O Sugo, sa mga ito matapos ng paggigiit nila sa pagkaligaw nila at maghintay ka sa dadapo sa kanila. Tunay na sila ay naghihintay sa inihahanda sa kanila na pagdurusa.