ترجمة سورة الطلاق

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الطلاق باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

O Propeta, kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ay magdiborsiyo kayo sa kanila sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila, magbilang kayo ng panahon ng paghihintay, at mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo. Huwag kayong magpalayas sa kanila sa mga bahay [ng mga asawa] nila at hindi sila lalayas malibang nakagawa sila ng isang mahalay na malinaw. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang lalabag sa mga hangganan ni Allāh ay lumabag nga siya sa katarungan sa sarili niya. Hindi mo nababatid marahil si Allāh ay magpangyari matapos niyon ng isang bagay.
Kaya kapag umabot sila sa taning nila ay magpanatili kayo sa kanila ayon sa nakabubuti o makipaghiwalay kayo sa kanila ayon sa nakabubuti. Magpasaksi kayo sa dalawang may katarungan kabilang sa inyo. Magsagawa kayo ng pagsasaksi kay Allāh. Iyon ay ipinangangaral sa sinumang naging sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh ay gagawa Siya para rito ng isang malalabasan [sa kagipitan],
at magtutustos Siya rito mula sa hindi nito inaasahan. Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay sapat na rito. Tunay na si Allāh ay nagpapatupad sa utos Niya. Gumawa nga si Allāh para sa bawat bagay ng isang pagtatakda.
At ang mga babaing nawalan na ng regla kabilang sa mga maybahay ninyo, kung nag-alinlangan kayo, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan, at [pati] ang babaing hindi na niregla. Ang mga may dinadalang-tao, ang taning [ng paghihintay] nila ay na magsilang sila ng dinadalang-tao nila. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh, gagawa Siya para rito mula sa kalagayan nito ng isang kaluwagan.
Iyon ay utos ni Allāh; nagbaba Siya nito sa inyo. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpaparami Siya para rito ng pabuya.
Magpatira kayo sa kanila kung saan kayo nakatira ayon sa kaya ninyo at huwag kayong maminsala sa kanila upang manggipit kayo sa kanila. Kung sila ay mga may dinadalang-tao, gumugol kayo sa kanila hanggang sa magsilang sila ng dinadalang-tao nila; at kung nagpasuso sila para sa inyo [ng anak ninyo] ay magbigay kayo sa kanila ng mga upa nila at mag-utusan kayo sa pagitan ninyo ayon sa nakabubuti. Kung nagkapahirapan kayo ay magpapasuso para rito ang ibang babae.
Gumugol ang may kariwasaan mula sa kariwasaan niya. Ang sinumang pinakapos ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito. Gagawa si Allāh, matapos ng isang hirap, ng isang ginhawa.
Kay raming pamayanang naghimagsik sa kautusan ng Panginoon ng mga ito at ng sugo ng mga ito. Kaya tumuos Kami sa mga ito ng isang pagtutuos na matindi at pinagdusa Namin ang mga ito ng isang pagdurusang pagkasama-sama.
Kaya lumasap ang mga ito ng kasaklapan ng kalagayan ng mga ito at ang naging kinahinatnan ng kalagayan ng mga ito ay isang pagkalugi.
Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi, kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may isip na mga sumampalataya. Nagbaba nga si Allāh sa inyo ng isang paalaala:
isang Sugo na bumibigkas sa inyo ng mga tanda ni Allāh, na mga naglilinaw, upang magpalabas Siya sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng maayos ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Gumawa nga ng maganda si Allāh para rito sa pagtustos.
Si Allāh ay ang lumikha ng pitong langit at mula sa lupa ng tulad sa mga ito. Nagbababaan ang kautusan sa pagitan ng mga ito upang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan, at na si Allāh ay sumaklaw nga sa bawat bagay sa kaalaman.
Icon